Chapter 32

18.1K 714 135
                                    

Jules' POV

*Bang!*

Napapikit ako ng marinig ko ang putok ng baril. Biglang tumahimik ang buong paligid. Tinamaan ba 'ko? Bakit wala akong maramdaman?

Nun ko lang napansin na parang may tumulak sa 'kin. Unti unti 'kong dinilat ang mga mata ko at nakita na wala akong tama, wala kahit ano pwera sa kutsilyong nasa binti ko.

"Boss!" Tawag ni Jake at agad akong nilapitan.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan, boss?" Tanong naman ni Jerson.

"P-pero bakit---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita kong nakalingon silang lahat sa likod ko. Nagtaka ako kung ano ang tinitingnan nila kaya humarap na 'ko sa likod.

Si Black

Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kaliwang braso niya. Siya ang tumulak sa 'kin kanina. Iniligtas niya ko, ulit.

Napahawak siya ng madiin sa braso niyang may tama at tsaka tumingin ng masama kay Lara. May kinuha siyang isang bagay mula sa bulsa niya, muka 'yong syringe na may asul na likido sa loob. Napatindi ang hawak niya don dahil din siguro sa sakit na nararamdaman. Tumakbo siya palapit kay Lara. Balak sana siyang barilin nito pero agad niyang naitarak sa balikat ni Lara ang syringe at agad itong nakatulog.

Kahit may tama siya, hindi parin nagbabago ang bilis niya. Parang wala lang 'yon sa kaniya. Sino ka ba talaga?

Lalapitan ko sana siya para tulungan at magpasalamat sa kaniya pero bigla nalang siyang tumalikod at tsaka tumakbo paalis. Ganon siya katulin nawala. Parang wala man lang siyang natamong sugat o kung ano.

At dahil nga umalis na siya at talo na ang mga kalaban, umalis na rin kami at dumiretso sa Clinic.

Tanong ng tanong si Nurse Keith kung ano ang nangyari sa 'kin pero 'di ko siya sinasagot. Walang pwedeng makaalam ng nangyari, pero sigurado akong alam na 'to ni Dad. Ganon katulin ang mga tao niya, lagi naman.

Uwian na at sabay sabay na kaming naglakad papuntang parking lot, ng biglang magtanong si Jc kaya napatigil kaming lahat.

"Nasan si insan?" Tanong niya kala Dave pero hindi sila sumagot. Napahawak sa ulo si Jc at saka napapikit ng madiin. "Nasan si insan?!" Galit na aniya kaya halos lahat ay napataas ang balikat. Ganyan siya magalit.

Kaya pala walang maingay, dahil wala siya.

Nagpapakiramdaman ang lahat kung sino ang sasagot  kay Jc. Pero sa huli, si Jerson ang sumagot.

"Nung naputol yung tawag, bigla siyang nawala" seryosong sagot ni Jerson. Pinanliitan naman siya ng mata ni Jc.

"Kanina pa siya wala? Hindi niyo man lang naramdaman na wala siya?!" Galit na galit na tanong ni Jc. Buti nalang at walang taong dumadaan dito dahil nasa gilid kami at malapit sa parking lot.

Yumuko ng kaunti si Jerson at tsaka sinagot ang tanong ni Jc. "Nakatingin kaming lahat kay Lara nung oras na 'yon. Kaya siguro hindi namin napansin na nawala siya" parang sinisisi ngayon ni Jerson ang sarili niya. Siya kasi ang piniling leader nung babae na 'yon kaya kailangan ay iniingatan at binabantayan niya ang mga members niya lalo na't siya ang leader. Pero sa tagal niyang pagiging leader, ngayon lang 'to nangyari. Bawat galaw kasi ng myembro niya ay nalalaman at nararamdaman niya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya naramdaman ang pagkawala ng pinsan ni Jc.

"Hindi naman siya kinuha nung mga lalaki kanina diba?" Mahinahon na tanong ni Jc. Mabilis magalit at mabilis huminahon, kakaiba talaga siya.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon