Chapter 14

23.2K 872 63
                                    

Gab's POV

"Ehh kase..." Sasabihin ko na sana ng bigla nalang may nag ring na phone.

*ringgg ringgg ringgg*

"Kaninong cellphone yun?" Tanong ni insan.

"Akin" sagot ni Mr. Shades. Agad niyang nilabas ang cellphone niya at tinignan ang caller. "Si Dad" parang nananawa na aniya.

Ibig sabihin ba non nakarating na sa tatay niya yung nangyari ngayon? Ang tulin naman ata.

Sinagot na niya 'yon at tinapat sa tenga ang cellphone. Alangan namang sa ilong diba?

Hindi man lang siya nag hello at hinantay nalang na magsalita ang tatay niya.

"Hindi... Ok lang kami... Ano?... Saan naman?!... P-pano niyo nalaman ang tungkol don?... Hello? Hello?!" At dun na nagtapos ang pag-uusap nila. Padabog pa niyang ibinalik ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. May galit ba siya sa cellphone?

"Ano sabi?" Tanong ni Christian.

"Alam na niya yung nangyari" tukoy niya sa nangyari kani kanina lang. "Gusto niya tayong paalisin dito sa dorm. Hindi na daw tayo ligtas dito, mag-empake na kayo" pag-uutos niya pa.

"Saan naman tayo lilipat?" nagtatakang tanong ko.

"Sa secret base" sagot ni shades.

"Ha? May ganon pala kayo?" Tanong ko ulit.

"Lahat ng gangster may ganon" parang nababagot na sagot niya.

"Eh bakit hindi ko alam?"

"Hindi ka naman gangster"

"Sabi ko nga"

"Wag ka na ngang magsalita at mag empake ka nalang ng mga gamit mo" Unti unti ng lumalakas ang boses niya. Hehehe nagagalit na siya.

"Sinabi mo eh" nakangising saad ko at tsaka mabilis na umakyat sa taas.

Pagbaba ko, dala dala ko na ang isang bagaheng may laman na mga gamit ko. Pinagkasiya ko nalang diyan lahat. Habang hatak hatak ang dala ko e iniiwasan ko rin ang mga lalaking nakahandusay sa sahig. Hanggang ngayon wala parin silang malay.

Nagtungo naman sila sa garahe at isa isang sumakay sa kanilang mga kotse. Sari sariling lagay din sila ng mga gamit nila sa likod non. Apat lang ang sasakyan na nandoon kaya limang tao sa bawat isang kotse ang nakasakay. Kami ang magkakasama nila insan, Christian, Jerson at siyempre si Shades, siya kase ang driver. Nasa passenger seat naman si Jerson at kaming tatlo ang nasa likod.

Ang kotseng sinasakyan namin ang nangunguna sa daan habang ang tatlo pa ay nakasunod sa likod. Medyo malapit lang naman pala ang secret base na iyon base sa iniisip ko. Pagbaba namin, pinag buksan ako ng pinto ni Christian at inalalayang makababa. Nasa gitna kasi ako nila ni insan.

"Oy ano yan?" Tanong ni insan kay Christian.

"Masama na bang pagbuksan ng lalaki ang babae???" Nanlalaki ang matang tanong ni Christian bago ako bumaba ng kotse. Napatingin naman ako sa driver seat dahil pakiramdam ko nakatingin sakin si Shades, pero sa ibang direksyon lang siya nakatingin.

"Sigurado ba kayong 'yan ang secret base na sinasabi niyo?" Nagtatakang tanong ko. Para kasi 'yong bahay. May mga halaman sa gilid at may hagdan sa harap bago ka makapasok sa loob. May ilaw naman ang bawat sulok ng bahay. Maluwang at malinis pa.

"Oo naman" sagot ni Christian.

"Ang iniisip ko kasing secret base e malaking bodega. Madilim, mabaho, at puro puno sa paligid. Yung katulad nung sa mga movies? Hahahahaha" sagot ko kay insan. Agad naman niya kong binatukan kaya napakamot ako sa ulo ko.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon