Chapter 74

12K 479 42
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at wala akong ginagawa kundi titigan lang ang lamesa sa harap ko. Nagtitinginan naman yung mga kasama ko at parang hinihintay ang sasabihin ko.

Hindi kasi ako mapakali simula kagabi nung umuwi ako galing sa SAP. Naalala ko yung sinabi at kinuwento ni Daddy, yung tungkol sa sikretong libro na tinago ng lolo ko. Kung tinago niya 'yon dito sa bahay, ibig sabihin hanggang ngayon nandito pa rin 'yon. Wala namang ibang nakakaalam kung saang banda 'yon tinago ni lolo pero... malakas ang kutob ko na makikita ko 'yon.

Tumayo ako kaya napatingin sakin ang mga kasama ko. Pa'no kaya kung hanapin ko 'yon ngayon?

Pero umupo rin ako kaagad dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag hanap. Tumayo ulit ako at napatingin na naman sakin sila James, pero umiling iling lang ako at saka ulit bumalik sa pagkakaupo ko kanina. Gusto ko ng makita yung libro na 'yon.

"Nababaliw na si ate" - James

"Baliw talaga 'yan" - Jc

Nagbubulungan sila pero hindi ko sila pinapansin. Hanggang sa...

"Alam ko na!" Sigaw at muling tumayo, pero sa pagkakataon na 'to hindi na ko bumalik sa pagkakaupo. Naglakad ako papunta sa kusina at sumunod naman sakin ang lahat. Pupunta ako sa training room, makikita nila insan ang secret room na 'yon pagpumunta ako ngayon do'n. Pero kailangan ko na talagang pumunta.

Inalis ko muna lahat ng nasa isip ko at dumeretso na sa painting malapit sa kusina. Binuksan ko 'yon at halatang nagulat silang lahat, pati si James na nakita na 'yon muling nagulat. Baliw.

Dumeretso ako sa katapat nitong pinto at tsaka idinikit ang kamay ko sa scanner.

*ting*

Bumukas ang pinto at agad akong pumasok sa training room, nagsi sunuran naman ang lahat.

Napangisi si insan ng makita niya yung ilang punching bag na nandito at ganun na rin si Christian. Nagkatinginan sila at saka sabay na sinuntok yung tig isang punching bag na malapit sa kanila. Pero pag kasuntok nila do'n, sabay silang napatalikod at saka winagwag ang kanang kamay.

"Tsk, manong magsuot muna kasi ng Gloves" bulong ko at saka sila tinalikuran.

Narinig ko pa silang nagsalita pero hindi ko na sila pinansin, dumeretso nalang ako sa basement at saka may hinanap.

Ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung ano ang hinahanap ko. Pero sana may mahanap ako tsk.

"Ate ano 'to?" Napatingin ako sa likod ng marinig ko si James. May tinitingnan siya sa pader. Nanliit ang mga mata ko at dahan dahang lumapit sa kaniya. Tiningnan ko rin yung tinitingnan niya.

May parang maliit na button sa pader na hindi ko alam kung bakit hindi ko 'to nakita noon. Siguro dahil hindi talaga ako pumupunta rito sa basement, hanggang training room lang ako dahil wala naman akong magagawa rito sa basement dahil ni isang gamit ay wala rito.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na isa itong button dahil kakulay ito ng pader, pero nahalata 'to ni James. Pa"no niya 'to nakita kaagad kung kapapasok lang din niya dito gaya ko?

"Anong nagagawa niyan?" Tanong ulit ni James at saka manghang manghang tumingin sakin. "H'wag mong sabihin na secret room na naman 'yan ate??" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Napailing ako at saka ko siya tiningnan. "Ngayon ko lang nalaman na may ganito rito" sabi ko sa kaniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Ba ka mamaya lumabas na 'yan, tsk.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon