Chapter 87

10.9K 411 74
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Jc's POV

Nangsabihin ni insan na kasama na niya si Lily at papunta na sila sa -10th floor na 'yon ay mas binilisan na namin ang pagkilos. Sa tingin ko nga nasa kalahati palang kami nitong building na 'to eh.

"Sa tingin mo ilang tauhan pa yung nandito sa loob, Jerson?" Tanong ko mula sa communication device. Gaya ng sinabi ni insan, hindi kami lumalapit sa kalaban. Pumupunta kami sa malayo at saka sila inaabangan. Babarilin namin sila mula sa malayo. Bale mga marksman kami. Lahat kami. Parang gusto ko tuloy sumugod dahil naiinip na ko sa kalaban.

"Base dito sa mga cctv, wala na silang 20" sagot ni Jerson.

Kung gano'n konti nalang pala. Lumingon ako sa katabi kong si James. Nakatingin siya sa paligid at naghahantay din ng kalaban.

"Pa'no kaya kung sumugod tayo, James? Ang tagal kasi nung mga kalaban eh" napatigil siya sa pagtingin sa paligid at napalingon sakin. Nakakunot ang noo niya.

"Sabi ni ate h'wag tayong kikilos hangga't wala siyang sinasabi"

"Tsk, alangan namang hantayin natin yung mga kalaban na lumabas? Hindi lalabas 'yon hangga't hindi tayo sumusugod" pangangatwiran ko pa. Pero umiling lang ulit siya.

"Ang sabi ni ate, maghintay lang daw tayo. Dahil kung hindi natin yun gagawin, baka mapahamak pa tayo" at saka siya ngumisi. Kinabisado talaga niya yung sinabi ni at---insan ah. Buset pati ako napapa-ate na rin ah!

Bumalik na si James sa paninipat kahit wala namang kalaban. Wala naman siyang matatamaan kung walang lalabas eh. Napaka masunurin kasi.

"Bahala ka, ako nalang ang---"

*bang!*

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa balikat ko. Sh*t.

"Jc!" Sigaw ni James at saka binaril agad yung lalaking nasa likod pala namin kanina pa. Bwisit. "Tulong! Si Jc may tama!" Paulit ulit na sigaw ni James.

"May tama naman talaga 'yan eh" narinig kong sabi ni Christian.

"Hindi! Totoo 'to, nabaril siya!" Sabi ulit ni James kaya kung anu-ano na ang narinig ko sa communication device. Nakakaasar!

Tinukop ko yung parte ng balikat ko na tinamaan ng baril, ang sakit pala!

"Ate, ate! Anong gagawin ko kay Jc? Mamamatay na siya!" Binatukan ko si James ng dahil do'n, pero mahina lang dahil hindi ko na maigalaw ang kanang braso ko. Buset na 'to pinapatay agad ako. "Ate?" Pag-uulit ni James pero walang sumasagot sa kaniya.

"H-hayaan mo muna ko, J-james. Kaya ko p-pa" mahinang sabi ko habang tumutulo na yung dugo galing sa sugat ko. Napakasakit talaga! Alam kong sa balikat lang ako tinamaan pero sh*t, masakit talaga siya! Pa'no natitiis ni insan ang tama ng baril? Ngayon pa nga lang feeling ko mawawalan na ko ng kamay eh!

Tumayo ako ng maayos at saka itinukod ang kaliwang braso ko sa pader habang hawak ko yung kanang balikat ko. Balikat ko yung tinamaan pero pati paa ko nanghihina.

"Ate? Jc si ate hindi sumasagot!" Nag-aalalang sabi niya at halatang hindi na niya alam ang gagawin niya. Ibinaba niya ang baril niya at saka ako tinulungang makatayo.

"H'wag n-na" pigil ko agad sa kaniya. "Magbantay ka sa p-paligid. Baka mamaya may k-kalaban na naman na dumating" sabi ko ulit pero umiling lang siya.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon