Chapter 23

20.5K 821 118
                                    

Christian's POV

"Oyy, eto pa!"

"Eto din!"

"Sama mo na 'to!"

Halos lahat kami naglilinis dahil sa ginawang kalat ng mga bwiset na yon, dapat sila ang paglinisin dito e. Sari-sariling hawak ng walis at dustpan ang nangyari. May mga naghahawak naman ng sako lalagyanan ng mga kalat. Hindi na kami magkanda ugaga kung ano ang gagawin namin, ba ka lumipat na naman kami ng titiran. Ang tanong, saan?

Habang naglilinis kami, nasa sofa naman si Gab, ginagamot niya si Dave. Nasulyapan ko naman na nakatingin sa kanila si Jules, na nakaupo lang sa kabilang sofa.

Si Dave ang pinaka maloko sa lahat ng loko, kaya siya din ang pinaka maraming kaaway. Nagkataon na ginantihan siya ng mga 'yon, siya lang mag-isa non at hindi niya kami kasama. Pinagtulungan siya ng mga 'yon, binugbog, sa sobrang dami ng sugat na natamo niya naospital siya. Hindi namin alam kung kailan siya nakalabas pero siguro kalalabas lang niya. Galing lang siyang ospital tapos bugbog agad ang natamo niya tsk.

Ba ka late na siyang makapasok sa LIS, hindi pa kasi siya nakakapag enroll. Pero kung papayagan, ba ka pwede na siyang makapasok bukas.

"Aray naman!" Agad akong napatingin kala Dave ng marinig ko ang sigaw niya, halos lahat kami ay tumingin. Hawak hawak ni Gab ang isang bote ng alchohol at isang bulak, halatang nagpipigil siya ng tawa. Si Dave naman ay nakaiwas ang kaliwang braso, siguro nilagyan 'yon ni Gab ng alcohol. Oo nga pala! Ayaw na ayaw niya na nilalagyan ng alcohol ang sugat niya.

"Ang arte mo naman, kalalaki mong tao takot ka sa alcohol" akmang ilalapit ulit ni Gab ang bulak na may alchohol kaya lumayo na talaga si Dave.

"Ok na 'to! Gagaling din naman 'to kahit walang alcohol" todo iwas ni Dave. Ngumisi naman si Gab at kumuha ng panibagong bulak, tapos nilagyan niya ulit yun ng alcohol. "T-teka! Anong gagawin mo??!" Nang tumayo si Gab ay bigla bigla nalang napatayo si Dave at tumakbo kahit iika ika siya. Hahabulin sana siya ni Gab ng biglang humarang si Jules sa harap nila.

"Kung maghahabulan lang naman kayo, mas mabuting dun kayo sa labas. Nakakaabala kayo dito sa loob. Hindi niyo ba nakikitang naglilinis ang mga tao dito?" Napatigil naman sa pagtakbo ang dalawa at sabay na napatingin kay Jules. Tumaas ang kilay ni Jules at tsaka naglakad palabas ng secret base.

"Nakakaabala nakakaabala, eh siya nga nakaupo lang diyan e. Hindi naman siya tumutulong sa paglilinis" iiling iling na sabi ni Gab habang naka-pout. Bakit ba kasi ang hilig niyang gawin 'yan?

"Hoy hoy hoy. Hindi mo ba siya kilala? Siya lang naman ang Boss namin. Kaya 'wag na 'wag mo siyang pagsasalitaan ng ganiyan!" Medyo nakatingalang sigaw ni Dave. Hanggang tenga lang kasi siya ni Gab, pangalawa siya sa pinakamaliit sa 'min. Syempre pinakamaliit si James. Ang tanda tanda na niya pero hindi parin siya lumalaki tss.

Sinamaan ng tingin ni Dave si Gab, habang si Gab ay nakatingin lang sa kaniya na parang nang-aasar.

At syempre bago pa sila mag-away 'kahit nag-aaway naman na talaga sila' humarang ako sa gitna nila. Ba ka mamaya hindi mapigilan ni Dave ang sarili niya at bigla nalang niyang masapak si Gab. Wala siyang kontrol sa sarili, at wala din siyang pakialam kung babae man o lalaki ang kaharap niya.

"Tumigil na nga kayo! Ikaw Gab tulungan mo nalang mag luto si Jerson. At ikaw magpahinga ka, alam mo namang hindi pa ayos ang lagay mo e" utos ko sa kanila. Pero hindi sila gumagalaw, nakatitig parin sila sa isa't isa. "Susunod ba kayo o hindi?!" Medyo malakas na ang pagkakasabi ko no'n pero walang nagbago.

"ANO BA???!" Tinodo ko na ang sigaw ko, napatingin tuloy sa amin ang lahat pati si Jules na nasa labas ay napapasok na rin para tingnan ang nangyayari.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon