Chapter 15

23.3K 894 84
                                    

Gab's POV

Nandito kami ngayon sa music room ng secret base, hindi na kasi pwedeng bumalik sa dorm dahil delikado na daw.

Nagtotono na sila ng mga gitara nila at inaayos na din nila ang mic. Pati yung drums inaayos na din. Kailangan daw kasi nila mag practice dahil matagal na silang hindi nakaka tugtog.

"Ano naman tutugtugin niyo?" Tanong ko habang nakatingin sa mga ginagawa nila.

"Hindi pa namin alam" sagot nung naka shades. Alam niyo na kung sino yon.

"Tutugtog kayo ng 'di niyo alam?" Nagtatakang tanong ko.

"Titignan muna namin kung may topic, pero kung wala edi kahit ano nalang" sabi niya sabay tayo sa gitna sa tapat ng mic. Siya yung vocalist? Sanay pala to kumanta, 'di halata.

"Hello" sabi niya sa mic.

Hindi naman siya sasagutin ng mic kaya "Hi" sabi ko. Tiningnan naman niya ko ng masama pero nginitian ko lang siya ng sobrang tamis. Nagpipigil naman ng tawa si insan habang inaayos ang drums, siya kasi ang drummer ng banda. Habang si Christian sa gitara. Tapos si Mark at Kyle sa electric guitar at bass ata? Di ako sure kung ano tawag don hahaha. May nakalagay na mic sa tapat ni Mark at Christian, nagsesecond voice din kasi sila.

Umupo ako sa monoblock chair malapit sa kanila para manood. Katabi ko naman ang iba pa naming kasama na manonood din. Wala kasi silang magawa.

Nag usap usap sila at ng alam na nila ang kakantahin ay pumunta na sila sa kani kanilang pwesto.

Tumugtog na ang intro ng kanta.

'Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba sa 'king lambing'

Unang lyrics palang... Unang lyrics palang ang kinakanta niya pero iba na ang dating sa kin. Ang ganda ng boses niya. Hindi ko akalain na may ganyang talento siya. Nakatingin lang ako sa kaniya. Parang titig na nga ginagawa ko e, hindi ko matanggal ang mata ko sa pagkakatitig sa kanya.

"Ba ka malusaw si Jules niyan" bigla nalang may bumulong sa tenga ko kaya naman napatingin ako don. Si Jake pala yon. Siya kasi ang katabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang niya ko tsaka siya napa iling iling.

Pero hindi ko talaga mapigilang hindi siya tignan kaya naman napasulyap ulit ako sa kanya. Bigla naman siyang tumingin sa kin kaya napaiwas ako bigla ng tingin.

*dub dug dub dug dub dug*

Bigla nalang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin.

Tumingin ako sa sahig, sa kisame, sa pader, pero hindi parin tumitigil ang pagbilis ng puso ko.

Tumingin ulit ako sa kanya. Saktong pagtingin ko nakatingin din siya sakin.

'Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito'

Habang kinakanta niya 'yan, nakapikit lang siya.

'Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig 'di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig 'di matatapos'

Pagkatapos ng lyrics na 'yan, unti unti na niyang dinilat ang mga mata niya. Tapos pag bukas non, saktong sakto na sakin siya nakatingin. As in sa mga mata ko talaga.

Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko nagawa. Gusto kong gumalaw, tumayo, pero parang naestatwa na 'ko sa kinauupuan ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatingin sa isa't isa. Ang ganda ng mga mata niya. Kasabay non ang unti unting pagbagal ng tibok ng puso ko, bumalik na sa normal ang tibok nito.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon