Chapter 54

15.2K 677 186
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊

Jules' POV

Mabilis na hinabol nung magkapatid yung limang lalaki. Nahuli ni John ang isa at binigyan niya 'yon agad ng sobrang lakas na upper cut, ang lakas niya. Napaatras ang lalaki at mukang babawian ng suntok si John pero bigla nalang sumingit si Gab at mabilis na sinipa sa muka yung lalaki, napatingin tuloy si John sa kaniya.

'Wag mong sabihin na pati sa pakikipaglaban mag-aaway pa rin sila?

Lumapit si Jerson sa pwesto ko para panoorin din ang mga nangyayari. Mukang may sinabi si John sa kapatid niya pero kinindatan lang siya nito. Nakuha pa nilang mag-asaran sa lagay na 'yan?

Tumakbo si Gab ng mabilis at saka tumapak sa nakatagilid na van. Mula ro'n ay nag backflip siya at saktong natamaan niya sa batok yung isang lalaking tumatakbo. Tumalon ulit siya at saka niya inipit ng dalawang paa niya ang leeg nung lalaki at saka 'yon pinilipit. Deretsong bumagsak sa lupa yung lalaki ng bitiwan siya ni Gab. Nakakatakot.

Napansin kong mukang may nabuo ng plano yung dalawa pang lalaki at sabay nilang sinugod si John. Nakaiwas siya sa mga atake no'n pero nagulat ako ng maglabas ng baril yung isa at itinutok ito sa ulo ni John na ngayon ay nakatalikod. Bigla akong kinabahan pero agad din 'yong napawi ng biglang hatakin ni Gab yung lalaking may baril at saka nito pinilipit ang kamay ng lalaki kaya niya nabitawan ang baril. Kinuha ni Gab ang baril na 'yon at itinutok sa ulo ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa ginawa niya, 'wag mong sabihin na---

*bang!*

Medyo napapikit ako ng barilin niya yung lalaki. Natumba ito sa lupa at naging sunod sunod ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ng lalaking 'yon. Nanginig ang mga kamay ko ng dahil sa nasaksihan. P-pinatay niya yung lalaki na 'yon!

Napatingin ako kay Jerson at halatang gulat na gulat din siya. Naging sunod sunod ang pagtibok ng puso ko, ang bilis. Tibok ng puso ko lang ang naririnig ko ng biglang---

*click*

Napalingon ako sa pinto ng kotse ng marinig ko ang pagbukas no'n. Yung isang lalaki!

Agad akong kumilos at handa na sana siyang sipain ng bigla nalang may tumigil na isang ferrari na kulay orange sa tapat namin at lumabas do'n ang isang lalaki. Hindi gano'n kahaba ang buhok niya at hindi rin gano'n kaikli. Makinis ang balat niya at maputi, medyo matangos ang ilong at halatang mas matanda siya sa'min. Hinablot niya 'yung lalaki kaya hindi na 'to nakapasok sa kotse tapos bigla niya 'yong sinuntok.

Gumanti ng sipa yung lalaki na agad na naiwasan nung bagong dati at saka niya 'to sinuntok ng dalawang beses sa muka at saka sinipa sa dibdib. Napahiga ang kalaban at mukang wala 'yong balak sumuko dahil bumangon pa ito at tumakbo papunta sa lalaking dumating. Konti nalang sana at masusuntok na nito ang kalaban ng bigla nalang may sumuntok dito. Lumingon siya sa'kin at saka ako tiningnan sa mata.

Si Gab.

Binigyan niya ng dalawang magkasunod na sipa yung kalaban dahilan para matumba ito at hindi na makabangon. May binulong siya sa lalaking bagong dating at saka humarap sakin at kumindat. Anong ibig sabihin no'n?

Naglakad na si Gab papunta kay John at itinatabi na nila yung mga katawan nung mga lalaki sa daan. Pa'no kung may makakita no'n? Lalo na at napatay pa niya ang isa. Nakakakilabot, pero parang hindi ako natakot sa kaniya. Sa ginawa niya oo pero sa kaniya? Hindi, hindi ko alam kung bakit.

"Jules pangalan mo diba?" Tanong sakin nung lalaking nakasakay sa ferrari kanina at nakangiti siya sakin!

"O-opo" sagot ko habang tumatango. Bigla siyang napatawa at napangiti.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon