Chapter 25

19.6K 823 182
                                    

Gab's POV

Sinabi ko kay insan na mauna na muna sila sa music room at susunod nalang ako.

"Manang" tawag ko kay manang Jeni, tatlo lang silang maid sa bahay ko. Si manang Jeni ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa kanilang lahat.

Tumingin naman sa'kin si manang na abala sa paglilinis ng kusina.

"Ano ka bang bata ka! Bakit hindi mo sa'kin sinabing may mga bisita ka pala, at bakit puro lalaki yun ha?" Nagtatakang tanong ni manang.

Napakamot ako sa ulo at napa-peace sign sa harap niya habang nakangiti. "Sorry na po hehehe, biglaan po kasi. Nagkaroon po ng problema sa tinutuluyan naming dorm kaya dito muna sila tutuloy. Mga kaklase ko po sila" sagot ko nalang habang nakangiti parin. Ang hirap ngumiti lalo na kung pilit, grabe.

Tiningnan niya ko gamit ang mga nanliliit na mata niya. "O siya, ipagluluto ko nalang kayo. Buti't naka-pamili ako kanina sa palengke kaya saktong sakto ang dating niyo" sabi nito sabay ngiti din sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don, akala ko magagalit siya.

Maglalakad na sana ako paalis ng tawagin ako ni manang, kaya napalingon ako sa kaniya.

"Nga pala, kwentuhan mo ko mamaya ah" bulong niya sabay kindat. Napatawa naman ako ng mahina at napatango-tango sa kaniya. Kahit matanda na siya, hindi 'yon halata kapag binase sa kilos niya.

Tuluyan na 'kong tumalikod at tinahak ang daan patungong music room. Nang malapit na ko ay bigla akong napahinto. Nagsisimula na kaya sila?

Dali dali akong naglakad at dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng music room. Mukang walang nakapansin sa pagbukas ko sa pinto dahil ni isa ay walang tumitingin sa gawi ko at lahat ay nakikinig at nanonood lang sa harap.

"Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon whoah~" pagkanta ng linya na 'yan, agad akong napatingin sa bokalista. Nakatingin lang siya sa sahig na para bang doon nakasulat ang lyrics ng kanta at iyon ay binabasa niya.

Habang nakatitig ako sa kaniya, halos hindi ko na marinig ang musika at ang kinakanta niya. Nakatingin lang ako sa ulo niyang unti unting tumataas at saktong huminto sa mata ko ang tingin niya. Hindi ako nag-iwas ng tingin, ganun din ang ginawa niya. Habang kumakanta siya, para bang nabingi ako sandali dahil wala akong naririnig. Para bang bumagal ang paggalaw niya at biglang nag-slow motion, parang katulad sa mga movies na napapanood ko.

"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan,
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Hanggang matapos ang magpakailan pa man,
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig"

Pag-ibig? Yung salita na 'yan. Kelan ko kaya 'yan mararamdaman.

Habang nakatingin ako sa mata niya, bigla siyang pumikit. Tapos bigla siyang napangisi habang nakapikit, para tuloy siyang baliw.

Pagdilat ng mga mata niya, parang may pinahihiwatig 'yon na hindi ko maintindihan. Umiwas siya ng tingin at mas piniling tingnan nalang ulit ang sahig. Nahiya ba siya? Bigla kasing namula ang mga pisngi niya. Hindi 'yon halata dahil medyo nakayuko siya.

Tahimik akong naglakad papunta sa dulong upuan, wala namang nakapansin non.

"Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo

Nasan ka man sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoah"

*dub dug dub dug*

Bakit ganon? Sa t'wing nakikita't tinititigan ko siya, kung ano-ano ang nangyayari sa puso ko.

*dub dug dub dug dub dug*

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon