Chapter 16

22.6K 803 205
                                    

Christian's POV

Kagaya ng Dean, yumuko din si Gab sa kanya pero mas mababa parin ang yuko ng Dean kesa sa kanya.

Tumayo na ng tuwid ang Dean matapos non. Sinensyasan niya kami na umupo sa harap niya kaya naman kinuha ni Jules at Jc ang dalawang monoblock at inilagay sa harap ng Dean's table. Habang ako ay nakatayo sa likod ni Jules at si Gab naman sa likod ng pinsan niya.

Agad na inabot ni Jc kay Dean ang permit. Masyado kasing awkward ngayon dahil sa mag-ama, hanggang ngayon hindi parin sila magkasundo.

"Pakisulat nalang ang mga pangalan ng members ng banda niyo dito" simula ni Dean tsaka may itinurong bakanteng sulatan sa papel. Kinuha ni Jc ang ballpen na nakalagay sa ballpen holder ng Dean tsaka isa isang isinulat ang pangalan ng miyembro ng banda namin. Ng mayari ay agad niyang binigay kay Dean ang ballpen at papel. Tiningnan niya ang papel at muling humarap kay Jc. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba 'ko o ano pero parang sumulyap muna siya kay Gab bago tumingin sa anak niya.

Nagtitigan lang sila, hindi ko alam kung nag-uusap ba sila o ano basta ang alam ko hindi sila nagsasalita. Ang totoo niyan hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan sa Dean pa mismo ibigay ang permit, pwede namang sa assistant nalang niya o sa iba pang kasapi ng eskwelahan na 'to. Posible kayang gustong kausapin ng Dean ang anak niya kaya kailangan dito pa ipasa ang permit? Hindi kasi papayag makipag usap si Jules kahit paki usapan pa siya ng tatay niya kaya siguro gumawa ang tatay niya ng paraan para magka usap sila. Minsan talaga nakaka awa din ang Dean kesa kay boss.

"Pwede ba kaming mag usap? Kaming dalawa lang" turo niya kay Jules. Tumango kaming tatlo nila Jc at tsaka nagsimulang maglakad. Bago ako lumabas ng pinto sumulyap muna ko kay Jules, ang sama ng tingin niya sakin... Nakakatakottt

Paglabas namin ay agad naming sinarado ang pinto. Maghahantay kami sa labas ng pinto hanggang sa matapos silang mag usap. Hay kabagot. Umupo nalang kami sa mga monoblock chair na nasa labas ng office ng Dean.

Kaya naman naisipan kong magtanong kay Gab.

"Gab" tawag ko muna sa kanya. Sabay naman silang tumingin sakin. "Si Gab lang ang tinawag ko" pang aasar ko kay Jc pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Bakit?" Tanong ni Gab habang nakatingin sa akin ng nagtataka.

"Ano.. Kase... Bakit ano.. Bakit..."

"Ano ba kasing itatanong mo?" Sabat ni Jc. Napakamot naman ako ng ulo at tsaka tinuloy ang sasabihin.

"Ano kasi, bakit parang.. Feeling ko lang ah. Pakiramdam ko kasi, masyado kang ginagalang ni Dean"

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Parang ang tingin niya sayo e kataas taasan, kagalang galangan. Parang ganon eh" kakamot kamot pang ulong sabi ko. Ba ka mamaya may kuto na pala ako.

"Pano mo nasabe?"

Agad naman akong napatingin sa kanya. Pano ko nga ba nasabi? "Ewan ko" sabi ko nalang.

"Ba ka guni guni mo lang yun" sabi niya sabay iwas ng tingin. Si Jc naman ay nakatingin lang samin at nakikinig.

Guni guni? Guni guni nga lang ba na para siyang isang presidente sa harap ng Dean kaya ganon lang niya ito galangin? Siguro nga, guni guni lang...

Jules' POV

Seryoso kaming nagtititigan ni Dad pagkalabas nila Jc. Walang nagsasalita... Walang gumagalaw... Ng bigla nalang siyang magsalita.

"Lumayo kayo sa gulo" panimula niya.

"Hindi naman ako ang lumalapit Dad, yung gulo mismo ang lumalapit sa amin" sagot ko sa kanya.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon