Chapter 4

27.9K 1K 316
                                    

JULIA'S POV

Pagkagising nagmadali akong bumangon para maligo, kanina pa kase sigaw ng sigaw si Jc sa labas ng pinto ng kwarto ko. Pati pagbibihis minadali ko, malelate daw kase kami. Pa'no kase napahaba ang tulog ko, 6:30 na nung gisingin ako ni insan.

Ang uniform sa LIS ay simple lang. Sa mga babae, white blouse na long sleeve na may logo sa upper right corner tsaka black na neck tie. Tapos palda na above the knees color black na may dalawang stripes na color white sa baba at leggings na color black na may tatlong stripes na color white sa tapat ng tuhod. Sa lalaki naman, white polo na long sleeves tapos black na neck tie tsaka jacket na black na may dalawang stripes na color white sa baba at logo sa upper right corner. Tsaka black na trouser. Gets mo?

Pagkatapos ay bumaba na ko, ni pagsusuklay hindi ko pa nagagawa. Kaya habang naglalakad, nagsusuklay ako. Pagbaba ko nakagayak na silang lahat, ako nalang talaga ang hinihintay. Pagtabi ko kay insan naglayuan na naman sila sakin, ano ba kaseng meron? Hindi na ko nagtanong dahil baka lalo pa kaming ma late. Katabi ni insan si sore eyes, naka shades na naman siya. Ano bang meron sa shades na yon? Nasa kaliwa ako ni insan siya naman sa kanan. Nagsimula na silang maglakad syempre kasama ko. Pero habang naglalakad, nakadistansya parin sakin ang mga kasama ko maliban kay insan at sore eyes.

-----classroom-----

Kagaya kahapon ganun na naman ang ayos ko, nakapangalumbaba at nakatingin sa bintana. Ang totoo niyan wala akong naiintindihan sa sinasabi ng mga teacher ko, hindi kase ako nakikinig.

"Insan" tawag sakin ni Jc habang kinakalabit ako.

"Baket?" Tanong ko naman.

"May short quiz daw, hindi ka naman kase nakikinig" sabi ni insan habang kumukuha ng papel sa bag niya. "Kanina ka pa kaya tinatawag ni miss" sabi niya kaya nagulat ako at napatingin sa harap. Nakatingin sakin si miss Reyes ng sobrang sama, masunget pa naman 'tong teacher na to. Pati ibang mga kaklase namin nakatingin din sakin.

"You" turo niya sakin.

"Yes miss?" Tanong ko habang pilit na nakangiti.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig, ano ba iniisip mo ha? Kapag hindi ka nakapasa sa quiz ko... 1 week kang suspended sa klase ko. Maliwanag??!" Sabi niya habang nakatitig sakin. Nagsinghapan naman ang mga kaklase namin, hindi ko alam kung bakit.

Nginitian ko si miss. "Maliwanag pa po sa sikat ng araw miss" pabalang na sagot ko sa kaniya. Muka namang nainis siya dahil nagtangis ang mga ngipin niya. Lalo namang napasinghap ang mga kaklase namin.

"Over 20 ang quiz ko, kailangan niyong maka 16 and above para maka pasa. Konti lang ang nakakapasa sa mga quiz ko, kaya imposibleng makapasa ka lalo na at hindi ka nakinig" sabi pa nito.

"Tingnan nga natin kung gano kahirap yang quiz na yan" bulong ko. Si insan lang ang nakarinig non.

"Hoy Gab, ano bang ginagawa mo? Hindi ka pa nakinig kanina. Pano ka makakapasa? Ha?" Bulong ni Jc.

"Ga'no ba kase kahirap magpaquiz yan?" Pabulong na tanong ko. Nagbubulungan kami dahil ba ka mahuli kami ni miss, mahirap na.

"Naging teacher na namin siya dati, napaka hirap niyang magpaquiz. Madalas over 20 ang quiz niya, ang alam ko sa lahat ng section na nahawakan niya wala pang nakaka perfect kahit isa. Kahit sa higher section wala pa" sabi niya.

"Ah ok"

"Anong ok? Yun na yon? Pano kung hindi ka maka pasa?"

"Alam mo insan tiwala lang" sabi ko habang tinatapik ang balikat niya. Inismiran niya ko bilang sagot. Kumuha nalang ako ng papel at ballpen sa bag ko.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon