Chapter 76

11.2K 502 71
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya habang papalapit siya sa'kin. Nakangiti siya at normal lang na naglalakad habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ano ka ba naman Gab! Syempre tutulungan kita noh, magkaibigan tayo diba?" Saka niya ko inakbayan, hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa muka niya. Inalis ko yung braso niya sa 'kin at saka siya tiningnan ng seryoso.

"H'wag mong sabihin na may nalalaman ka pa na hindi ko alam?" Ngumisi siya pagkatapos kong itanong 'yon sa kaniya. Ibig sabihin ba no'n, meron nga??

"Teka teka teka, sino ba 'yang babae na 'yan insan?" Tanong ni Jc habang nakaturo sa babaeng kaharap ko. Sasagutin ko na sana siya ng bigla nalang sumulpot yung guard, may pasa siya sa muka at mukang pagod na pagod.

"Ma'am, ayos lang ba kayo? Bigla nalang kasing pumasok 'yang babae na 'yan ng hindi sinasabi kung sino siya, kaya hindi ko siya agad pinapasok" hingal na hingal na sabi niya. Tsk, siguradong na-sample-an siya nitong babaeng 'to. Ang malas mo kuya Gerald.

"Okay lang kuya Gerald, kaibigan ko siya" sabi ko nalang at saka siya nginitian, tumango naman siya agad. Aalis na sana siya ng pigilan ko siya. "Si kuya Jay nasa'n?" Napalingon naman ulit siya sakin.

"Nagbabantay sa gate, mam. Baka kasi may kasama pa 'yang babae na 'yan at bigla nalang ulit sumugod dito. Hindi naman kasi siya agad nagpakilala na kaibigan niyo pala siya" at saka siya nagkamot ng ulo. "Sige po mauna na ko" paalam niya sa lahat bago umalis.

Pagkaalis ni kuya Gerald ay ang tahimik na ng buong salas. Ni walang ingay na maririnig kahit ano, ng bigla nalang magsalita 'tong babaeng nasa harapan ko.

"Oo nga pala, kayo ba yung mga kaibigan ni Gab?" Tanong niya sa mga kasama ko pero walang sumagot sa kaniya. Nakatingin lang sila insan sa kaniya na para bang hinihintay na magpakilala na siya. "Hi?? Hindi niyo ba 'ko kilala? Ako si Lili Evans!" Masayang sabi niya habang kumakaway pa. Tsk. Kung hindi lang sana siya nabaliw, sana makita ko ulit yung dating siya. Pero imposible na 'yon. Hinding hindi ko mapapatawad ang taong nasa likod ng lahat ng 'yon.

"L-lily?" - Christian

Gulat na gulat sila na tumingin kay Lily. Para bang natatakot na hindi ko maintindihan. Oo nga pala, ang alam nila baliw si Lily, baka iniisip nila na kung ano nalang ang gawin nito sa kanila. Tapos sumulpot pa si kuya Gerald kanina.

"Tsk, h'wag kayong matakot jan. Wala 'yang gagawin hangga't wala kayong ginagawa" sabi ko at tumahimik na naman sila. Takot na takot lang?

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina samantalang si Lily umupo sa lamesa. Takang taka tuloy 'tong mga kasama ko.

Ganyan lang si Lily ngayon dahil sa ginawa sa kaniya nung mga taong 'yon, pero kahit nangyari 'yon may parte pa rin ng katauhan niya ang hindi nagbago. Hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turing niya sakin, hanggang ngayon tinutulungan pa rin niya 'ko. Palihim akong napangiti bago ulit siya tanungin.

"Ano nga ulit yung tulong na sinasabi mo?" Nilingon niya ako at saka ngumiti ng nakakaloko.

"Tutulungan kita sa pagbawi sa boyfriend mo! HAHAHAHAHA" Gulat akong napatingin sa kaniya ng dahil do'n. Boyfriend??? Na naman??? Sino ba kasi ang nagkakalat ng balitang 'yan? Hindi pa naman kame eh...

"May boyfriend na si ate???" Gulat na tanong ni James at saka humarap kay Lily. Tingnan mo!

"Hmmm? Hindi niyo alam na---"

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon