Prologue

6.2K 259 72
                                    

Naglalakad lamang ako sa isang kalye nang mag-isa. Hapon na at pauwi na ako galing school.

Habang naglalakad ay may natanaw ako at muntikan ko na iyong matapakan. Bahagya akong lumuhod at kinuha ang maliit na bagay na kasing laki ng posporo na dapat ay maapakan ko.

Pero nang sandaling tumayo ako, biglang nagbago ang nasa paligid ko.

Ang daming sumasabog, iba't ibang putukan ng mga baril? Ang daming tao ang nagkakagulo, nagtatakbuhan, mga naglalaban. Nililibot ko pa rin ang mata ko sa buong paligid kahit na natatakot na ako na baka matamaan na lang ako ng bala o masabugan.

"Fck! Woman, watch out!" Huli na nang makalingon ako sa malakas na sigaw na 'yon.

Tinulak niya ako nang malakas, at kasama siya sa pagbagsak ko.

"Aray!" Sabay kaming bumagsak, pero nakadagan ako sa kanya, dahil sa biglaang pag hila niya sa akin.

Napatingin ako sa dalawang pares ng mata na may kulay tsokolate, para akong hinihipnotismo nito sa sobrang ganda ng mga 'yon.

"Fck! Magpapakamatay ka ba, babae?" Nabalik ako sa aking ulirat nang bigla siyang sumigaw. Muntikan na akong tamaan ng baril kanina.

Napayuko at napatakip ako sa aking tenga nang marinig na naman ang mga palitan na putukan ng baril.

Nagulat ako nang bigla niya na lang akong hinila. "W-Wait saan tayo?"

"Fck!" mura na naman niya, dahil may nagpatama na naman ng baril sa bandang gawi namin, at ako naman ay todo ang kapit sa kanya.

Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Kailangan na kitang makausap, meron lang ang chip na 'yan na ten minutes para makapag-stay ka rito at makausap ka." Nalilito akong napatingin sa kanya, pero tumalikod na siya at muli na namang tumakbo habang hila-hila ako.

Hinihingal na ako sa bilis nang takbo niya, pero nagpatuloy lang kami at huminto sa isang— bodega?

Binuksan niya ang pintuan at may dalawa pang lalaki na ang naroon.

"Ream! Nakita mo na siya?" tanong ng isa sa dalawang lalaki na nakita ko kanina at agad lumapit sa amin.

Tumingin ang dalawang lalaki sa akin, at parang nasagot na ang tanong nila.

Taka akong napatingin sa kanilang tatlo, nagsalita ang lalaking may hawak ng kamay ko dahil sa paghila niya sa akin kanina habang tumatakbo kami.

"Listen woman, I don’t know who you are but believe me, you're in the future ten years ago sa panahon mo," mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"Sabihin mo na sa kanya Ream, kaunti na lang yung oras na natitira," sabi ng isa sa lalaki.

"We need you, maraming buhay ang nanganganib sa panahong ito." Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

"Alam kong hindi mo naiintindihan, pero kailangan ka namin. We're scientist, kaming tatlo." Mga mukhang nasa 20's na sila at anong maitutulong ng isang teenager na katulad ko? I'm just 17 years old.

"Kaedad mo kami sa panahon mo." Nababasa niya ba yung nasa isip ko?

"At gusto naming hanapin mo kami. I'm Ream Mercedes," sabi niya, yung lalaking humila sa akin dito.

"I'm Nick Salviento," yung kaninang nagsalita.

"I'm Steel Geronimo," yung kanina namang lalaki na tahimik.

"Wala ng oras," ani nang lalaking humila sa akin na ang pangalan ay Ream.

Biglang nandilim ang paningin ko, pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang huling sinabi ni Ream

"Please, find us. You're my only hope, our hope."

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now