Chapter 9

1.7K 83 2
                                    

"Anong ginagawa mo rito sa kwarto ni Ream?" Patay! Wala na, nahuli na ako.

Napakapa ako sa gilid ng bag ko, at may kinuha ako roon. Hinarap ko 'yon sa kanya "I-I.d oo tama! N-Naiwan ko kasi I.d ko rito sa kwarto ni Ream, b-binalikan ko lang."

Sana maniwala ka! Sana talaga. Kumagat ka sa palusot ko!

"Bakit hindi kita nakita na dumaan sa may gate nila Ream?" Naningkit ang tingin sa akin ni Steel, na parang iniimbistigahan ako.

"Syempre, alam mo naman na magkaaway kami ni Ream diba?" Napaisip siya sa sinabi ko.

"Oo nga 'no?" Napahawak pa ito sa kanyang sintido na parang ang lalim ng iniisip.

"—pero paano ka napunta rito?" Tinuro ko na lang yung terrace na inakyat ko.

"What?!" Tinakpan ko kaagad yung bunganga ni Steel, ang ingay baka marinig kami dito, mahuli na naman ako.

Alam kong sa tatlong kutong lupa, siya yung pwede kong mapagkatiwalaan.

"Shh... Huwag kang maingay." Tinanaggal ko na yung pagkakatakip ng kamay ko sa bunganga niya, at ayun nakanguso ang loko.

"Steel ang tagal mo naman!" Halos manlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Si Ream.

"S-Steel, tulungan mo ako. Huwag mong sasabihin kay Ream na nakita mo ako rito." Pati rin siya ay parang natakot at napatango-tango na lang.

Agad akong tumakbo papunta sa terrace at ginamit ulit yung rope para makababa.

Pero bago ako makababa ay narinig ko ang usapan nila "Bakit ang tagal mo rito?" Boses 'yon ni Ream.

"A-Ano, akala ko kasi may tao, pusa lang pala." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Steel, mabuti na lang at hindi niya ako sinumbong.

Tinanggal ko lahat ng trace na maiiwan ko, baka mamaya kahit nakaalis ako ay malaman nila na pumunta ako sa kwarto ni Ream.

Agad na akong sumakay sa bike ko at bumalik pauwi.

Hindi ko pa natatanggal sapatos ko nang mahiga agad ako sa kama. Nakakapagod.

At hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng hindi na nagpalit ng damit ko.

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko, at hindi na ako nag aksaya ng oras at nag ayos na ako para sa pagpasok ko, strikto pa naman yung first subject namin na si Mr. Cruz. Ayaw na ayaw niya talaga sa late, at kapag na late ka, katapusan na ng buhay namin... Biro lang, hindi na kami papasukin sa klase niya, absent na kami, so wala na kaming matutunan, at may ipapagawa pa siya.

Hindi na ako nag almusal at agad sumakay ng tricycle. Wala pa naman din akong kain kagabi, nagugutom na tuloy ako.

Habang malapit na yung sinasakyan ko sa school, ay may natanaw akong isang lalaki na nakasandal sa magandang sasakyan. At nang maaninag ko kung sino 'yon, ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Siya na naman? A-Alam niya rin ang school ko? Paano? Kailangan na talaga itong malaman nila mom and dad, sinubukan ko silang tawagan kahapon pero hindi nila sinasagot siguro busy sila.

"M-Manong! Dito na lang po ako baba," sabi ko kaagad sa manong driver at nagbayad na.

So saan ako nito dadaan? Isa lang naman ang gate papasok sa school, at kapag doon ako dadaan makikita niya ako at makikilala.

Nag isip ako ng paraan kung paano ako makakapasok, ma-le-late na ako kay Mr. Cruz kung babagalan ko pa ang pagkilos ko. Isa lang naman ang naiisip kong paraan, 'yon ay ang bumakod sa likod ng school.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon