Chapter 17

1.5K 87 11
                                    

Agad kaming pumasok sa amusement park nang makabili na kami ng ticket para kahit anong sakyan naming rides ay pwede na basta na sa amin pa rin ang ticket na 'to.

"I'm excited!" ani Steel na pumapalakpak na naman, pero this time sinangayunan ko siya, I feel excited too.

"Oo nga! Tara na sakay na tayo sa mga rides!" excited na sabi ko, at hinila na sina Celestine at Francine na halata rin ang excitement at saya.

"Tsk. Kumain muna tayo." Napalingon kaming apat nina Francine, Celestine, at Steel dahil sa sinabi ni Ream.

"Tama si Ream. Hindi pa tayo nag l-lunch," sang-ayon naman ni Nick.

Nagkatinginan kaming apat na excited nang makasakay ng rides, at kita ang mga pag nguso ng aming mga labi... may kill joy talaga, but they have point tho.

Naunang lumakad si Ream at Nick, at napairap na lang ako. Kill joy pa rin talaga.

"Halina kayo, tama naman sila hindi pa naman tayo nag l-lunch baka mamaya mawalan tayo ng energy tapos lahat tayo matamlay. Gusto niyo ba 'yon?" paliwanag ni Steel. Tumango na lang kami sa sinabi ni Steel, dahil tama naman siya.

Nagsimula na kaming maglakad lahat, at napapatingin sa mga stall na may mga pagkain.

Huminto ako at napapangiti na lang nang may makita akong mga bata na masasayang naglalaro at naghaharutan. Pero agad ring napangiti ng mapait, kasi pakiramdam ko parang hindi ko naman 'yon naranasan, ang maging isang bata na masayang naglalaro, at ang makakapagpatunay no'n ay ang mga napapanaginipan ko noong bata pa ako, puro takot lang ang nararamdaman ko.

"Oh? Bakit ang lungkot mo na ngayon Trixy?" Agad akong napalingon kay Francine nang magsalita ito.

"Ah, masaya ako na may mga batang naglalaro. Tignan mo sila oh!" Tinuro ko ang mga batang naghahabulan, napatingin naman si Francine.

Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita, at napanguso, "pakiramdam ko hindi ko naranasan ang mga ginagawa ng mga batang 'yan," pag open up ko, pero pinilit ko pa ring ngumiti para hindi mahalata ni Francine pero nakita niya pa rin ang tunay kong nararamdaman.

"Bakit pakiramdam mo lang? Hindi ka ba sigurado sa mga ala-ala mo noong bata ka?" I just shrugged my shoulders to her question. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung mga ala-ala ko, na nakakatakot.

"Simula no'ng iwan ako ng mga magulang ko, wala na akong masyadong naalala noong bata ako," sabi ko na lang kay Francine

"I'm sorry for asking. But I'll make sure na magiging masaya ka ngayong araw," nakangiting sabi ni Francine kaya napangiti na rin ako. Thankful talaga ako at naging kaibigan ko sila

"Trixy at Francine. Halina kayo, nakabili na kami ng pagkain!" sigaw ni Celestine kaya agad kaming lumapit ni Francine sa kanila.

Umupo kami sa may lamesa na katapat ng stall na binilhan namin ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain, at nag-uusap-usap lang, pero ang pinakamaingay at madaldal ay sina Francine at Steel.

"Oo nga! Anong una kaya nating sasakyan?" tanong ni Francine.

"Hindi pa nga tayo tapos kumain, rides agad iniisip mo," sabi ni Nick, pero nilabas lang ni Francine ang dila niya at bumelat kay Nick para asarin. At halatang naasar naman si Nick, pero hindi na ito nagsalita. Napatawa kami nila Steel at Celestine.

Si Ream naman ay kanina pang tahimik at nakapoker face, na sinabayan pa ni Nick, para na silang magkambal, pati ugali nila halos magkaparehas. Pareho ring mga kill joy.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na kami.

"Tara na!" sigaw ni Steel.

"Pababain muna natin yung kinain natin," sabi ni Celestine, at patago akong natawa dahil nakasimangot na si Steel. Ayan barado tuloy siya sa crush niya.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now