Chapter 21

1.3K 74 3
                                    

"Kuya Ream!" Iyak lang ako nang iyak dahil hindi ko mahanap si Kuya Ream.

"Kuya Ream?" sigaw ko ulit.

"Xyxy." Agad siyang napalingon sa kaliwang bahagi niya nang may mag salita doon.

Tumakbo ako papunta roon at niyakap ang lalaki na tinuturing kong Kuya dahil ito palagi ang nagliligtas sa akin.

"Kuya Ream... Kailan tayo aalis dito? Sabi mo aalis tayong lahat dito? Nasaan na yung ibang batang kasama natin?" Malalim na tumitig si Kuya Ream sa akin at hinawakan ang aking mukha.

"Shh... susunod kami sayo. Sa ngayon ay ikaw muna ang lalabas." Hindi mapakali na tumingin-tingin sa palagid si Kuya Ream na para bang may hinahanap.

Hinawakan niya ang maliit kong kamay at sabay kaming tumakbo.

"Pumasok ka diyan, may naghihintay sayo sa may dulo ng pasilyo. Kasama mo sila na aalis. Mga magulang ko sila. You can trust them." Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya.

Mabilis akong tumakbo sa tinurong daan ni Kuya Ream. At tama nga siya dahil may nakita akong lalaki at babae katulad ng magulang ko.

"Xyrene, let's go..." kinarga ako ng Papa ni kuya Ream at tumakbo kami.

Tumitig ako sa kumarga sa akin. Hindi pa rin sila humihinto sa pagtakbo kasama ang Mama ni kuya Ream.

Nakita ko naman na may nakasunod sa amin.

Ibinaba ako ng Papa ni Kuya Ream at kinausap nila ako. Ream.

Iyak pa rin ako nang iyak dahil sa nangyayari. Natatakot ako.

"I know na hindi mo pa ito maiintindihan. But I want you to leave this place, okay? Kailangang may makaalis sa inyo para hindi matuloy ang plano." Tama siya dahil hindi ko siya naintindihan pero yung pag labas at pag alis ko sa lugar na ito ang malinaw sa akin.

Naabutan na kami ng mga humahabol sa amin at nakipaglaban ang Papa ni kuya Ream.

May nakita rin akong mga nakaputing tao na may dala-dalang syringe na papalapit sa amin.

Hindi ko alam ang ginawa ko at tumakbo lang ako nang tumakbo, narinig ko pa ang sigaw ng dalawang tao na kasama ko.

"Xyrene! Hindi diyan! Mali ang dinadaanan mo, Xyrene!!!"

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang may marinig akong malakas na putok ng baril...

"Trixy?" Napaigtad ako sa tawag ni Ream at nabalik sa reyalidad.

Naalala ko na naman ang isa sa napanaginipan ko noong nakaraang isang araw, dahil 'yon ang unang beses na nakita ko si Ream sa panaginip ko.

Umiiyak din ako nang gumising ako no'n. Hindi ko alam kung anong sunod na nangyari. Parang pakiramdam ko may mabigat akong kasalanan na nagawa.

Tumitig ako kay Ream. Yung lalaking bumuhat sa akin sa panaginip kong 'yon ay sobrang kamukha niya lalo na sa mga mata kaya alam kong si Ream din ang nasa panaginip ko.

Pero hindi ko maintindihan... ano ang sinabi ng mga magulang ni Ream na kailangan kong makaalis para hindi matuloy ang plano? Sino-sino pa ang kasama namin sa lugar na 'yon? Ano ang nangyayari noong mga panahong 'yon? Bata pa kami noon ni Ream— anong connection ang mayroon kami?

Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Sa mga tanong na wala akong mahanap na kasagutan... mga tanong na ako lamang din ang makakaalam kapag naalala ko na ang lahat.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon