Chapter 25

1.3K 72 5
                                    

Dalawang araw na ang nakakaraan nang magkausap kami ni Ream. Pumapasok na silang muli silang taylo. as much as possible iniwasan ko sila lalo na siya.

Naging sobrang busy ko rin kaya nawalan din ako ng time sa iba at nag focus sa studies ko. Ang dami ng pinapagawa ng mga teachers namin at halos magpuyat na ako matapos ko lang lahat.

Nabalitaan ko kay mom noong nag message siya sa akin na next week daw yung party, kaya mag-iingat daw ako sa araw na 'yon dahil hindi raw nila ako mababantayan ng maigi.

"Bakit hindi na kayo nagpapansinan ni Ream?" Dumila pa si Francine sa ice cream niya pagkatapos niya akong tanungin.

Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria ng school. Napagpasyahan naming tatlo nina Francine at Celestine na mag ice cream since sobrang busy namin at halos hindi na kami nagsasabay umuwi or mag lunch man lang.

"Hindi naman talaga kami nag papansinan ah?" sagot ko.

Si Celestine naman ay kasalukuyan ding kinakain ang ice cream niya habang nakikinig sa amin ni Francine.

"Talaga? Bakit iba yung feeling ko? Parang may nagbago sa inyong dalawa e, gosh! May ginawa na naman bang hindi maganda si Ream sayo?" Umiling-iling agad ako sa tanong niya.

"Wala, at saka three weeks hindi pumasok yung tatlo diba? Ayoko naman maging feeling close sa kanila." Napatango na lang siya sa sinabi ko at tinuon ang atensiyon sa kinakaing ice cream.

Dahil sa katahimikan namin ay nagsalita ako. "Nga pala, sobrang daming pinapagawa na school works 'no? Nakakapagod." Naging palasalita na rin ako since sobrang lapit na namin sa isa't-isa, medyo hindi na ako nahihiya na sabihin kung anong gusto kong sabihin sa kanila.

"Correct ka diyan, I wanna quit. Naiinis na ako sa Accounting subject namin, huhu." Natawa ako sa tinuran ni Francine, magkaparehas kami ng strand kaya naiintindihan ko siya. Mahirap talaga pero alam kong kaya naman din 'yon ni Francine dahil matalino naman siya at masipag... over acting lang talaga ito.

"Okay lang naman yung subject ah? Need lang talaga ng matinding pag analyze," tumawa pa ako ng bahagya pati rin si Celestine nang makita naming nakasimangot si Francine.

"Kayo talaga! Matalino lang kayo e!" Nakasimangot na namang sabi niya kaya mas lalong lumakas ang pagtawa namin.

"Hoy ikaw Celestine! Hindi na kita tatanungin sa studies mo kasi alam ko namang basic lang 'yon sayo. So bakit kayo palaging magkasama ni Steel? Hmm?" Nakita kong namula agad ang pisngi ni Celestine.

Uh-oh! Si Celestine na naman yung ginigisa ni Francine. Itong babae talaga na ito napakatsismosa, ang daming alam sa amin. Siya kaya? Ano kayang mayroon sa kanya?

"W-Wala! S-S-Sumunod lang sa akin yung kiti-kiting 'yon! Alam mo namang makulit 'yon!" Natawa pa ako sa tinuran niya kay Steel, kiti-kiti. Sabagay makulit naman talaga yung lalaking 'yon katulad ng kiti-kiti.

Nanliit ang mata ni Francine. "Sabagay, makulit talaga 'yon. Pero, wala talaga? I mean, baka may gusto ka kay Steel?" Mas lalong naningkit ang mga mata ni Francine na akala mo ay siya ang ate pero todo iling naman si Celestine.

"Kayo ah? Okay lang magkagusto sa mga kurimaw na 'yon pero mag pa-hard to get naman kayo ah? Huwag basta-basta bibigay ang mga panty niyo."

"What?!" sabay at malakas na sigaw namin ni Celestine dahil sa sinabi niya kaya may mga students din sa loob ng cafeteria ang nakakuha ng atensyon namin pero agad ring lumayo nang pinandilatan naman ng mata ni Francine.

Ubos na yung ice cream na nabili namin kaya itong fries naman ang nginunguya namin.

"Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo yung mga kurimaw na 'yon, yak! Bakit ko ba ito sinasabi, paniguradong magdidiwang yung mga 'yon kapag narinig nilang pinuri ko sila, yak! Yak! No way!" Imbis na mag sermon siya ay parang nasusuka siya sa kanyang naiisip kaya muli na lamang kaming natawa ni Celestine.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now