Chapter 4

2.3K 128 24
                                    

There are things that we can't expect to happen in our life, kahit planado ay nababago pa rin.

Katulad ngayon, hindi ko akalin na makikita ko ang hinaharap at makakakilala ng ibang mga tao.

Planado ko na ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko, pero nabago lahat nang dahil sa tatlong lalaki na hinihingi ang tulong ko.

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko, it's Nick. Seryoso siyang nakatingin sa akin, siya lang ang mag isang lumapit sa akin at yung dalawa na si Ream at Steel ay hindi ko alam kung nasaan.

Araw-araw ng pumapasok yung tatlo sa eskwalahan na siyang pinagtataka ng lahat, hindi lang ng mga estudyante kundi pati na rin ang mga guro. Alam ko ang dahilan nila, dahil nasabi ko sa kanila na nag aaral sila na maging isang scientist na tinatago nila. Hindi ko alam kung bakit nila tinatago 'yon, pero alam kong may malalim silang dahilan.

"Gusto ko lang malaman na bakit mo 'yon nalaman, mahirap ba 'yong sagutin?" He pertained the 'scientist' thing na nasabi ko sa kanila last week. Hindi na ata nakapagpigil si Nick at tinanong na ako ngayon.

Hindi ko muna sasabihin ngayon kung ano ang aking dahilan sa kanila, kailangan ko munang humanap ng ebidensya para masabi ko sa kanila na nakita ko na sila sa future na humihingi sa akin ng tulong.

Umiling ako sa kanya. "Wala kang malalaman sa akin, bakit ang kulit mo rin? Excuse me." Tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko.

Umalis ako sa harapan niya para makalayo na sa kanya, pero nakatalikod pa lang ako nang magsalita siya kaya napahinto ako sa aking paglalakad.

"Hindi ko alam kung kaaway ka o hindi, pero malalaman ko rin kung ano ang pakay mo sa amin."

Huwag ka mag-alala, hindi ako kaaway. Sagot ko sa isip ko sa sinabi ni Nick.

Hindi na ako lumingon sa kanya, nakatalikod akong nagsalita sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, malalaman niyo rin dahil ako mismo ang magsasabi sa inyo."

Pagkatapos ko 'yong sabihin ay lumakad na ulit ako para makalayo sa kanya.

Nang alam kong makalayo na ako, doon ko lamang pinakawalan ang pag hingang kanina ko pa pala pinipigilan nang kaharap ko siya. I need to be careful, lalo na sa mga sasabihin ko.

Hindi naman basta-basta na sabihin at i-kwento ko sa kanila na nakita ko sila sa future, baka mas lalong magulo ko ang mangyayari sa future. Kailangan ko ng solid proof or evidence para mapaniwala ko sila.

Nilabas ko yung chips na napulot ko. "Hindi pa sapat ang ebidensiya na ito," pagkausap ko sa sarili ko.

"What? Ano ba yung ebidensiya na hinahanap mo?" Nilagay ko kaagad sa bulsa ng palda ko yung chips na hawak ko, nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

Napalingon ako sa nagsalita at halos mapugto ang hininga ko nang makita ko na naman ang pares na matang 'yon na walang emosyon.

"W-Wala. Aalis na ako." Hahakbang pa lang sana ako ng lakad nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at isinandal ako sa pader.

Kaming dalawa lamang ang tao sa hallway at wala ng makikitang estudyante dahil tapos na rin ang lunch break, at medyo tago rin ang lugar na ito.

"A-Ano bang kailangan mo? Bitawan mo nga ako." Sinubukan kong iwasiwas ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero masydo siyang malakas, kaya't mahigpit pa rin ang pagkakakapit niya sa akin.

Umaatras pa rin ako kahit na wala na akong maatrasan dahil palapit siya nang palapit sa akin.

"L-Late na ako sa klase ko," sinabi ko 'yon baka sakaling pakawalan niya na ako, pero nautal pa rin ako.

"Fck! I don't care!" napaigtad ako sa malakas niyang mura. Minsan lang siya magsalita pero palaging may murang kasama, kahit noong makita ko siya sa future napansin ko kaagad na mahilig rin siyang magmura.

Tumitig ako sa mga mata niyang may kulay tsokolate at sa pangalawang pagkakataon para ako nitong hinihipnotismo, na parang gusto kong makapasok pero kahit ni isa ay hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya, na parang mismong mga mata niya ang pumipigil na malaman kung ano ang mayroon sa kanya.

Tumitig din siya sa akin. "Who are you?" tanong niya.

Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sayo, who are you? Bakit hinihingi mo ang tulong ko, ano ba yung nangyari? Mabubuti ba kayong tao? Mabubuti ba yung hangarin niyo? Dapat ko ba kayong pagkatiwalaan dahil hiningi niyo ang tulong ko?

Gusto ko mang sabihin sa kanya ang lahat ng mga tanong ko na 'yon na nasa isip ko, kaso mas pinili kong tumahimik na lang.

Nagulat ako nang mapansin ko na parang lumalapit ang mukha niya sa akin.

Halos maduling na ako sa sobrang lapit niya, sobrang pigil na yung hingang ginagawa ko.

Hahalikan niya ba ako? Anong gagawin ko? Bigla na lamang akong napapikit, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mas lalo ko pang ipinikit ang mga mata ko, pero napamulat na lang ako ng walang labi ang lumapat sa labi ko, pero may marinig ako na malapit sa aking tenga ang bahagya at mahina niyang pagtawa.

Nakatapat ang kanyang bibig sa aking tenga at halos makiliti dahil sa mahina niyang pag bulong. "Don't worry, dahil sa ating dalawa, sisiguraduhin kong ikaw ang mahuhulog."

Napatulala ako sa sinabi niya at hindi ko napansin na nakalayo na pala siya sa akin.

Lumingon pa siya sa gawi ko.

Ngumiti siya ng sarkastiko sa akin at nilagay niya pa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya at naglakad na palayo.

Pero hindi pa siya nakakalayo ng tuluyan, nang huminto na naman siya pero nakatalikod na ito sa akin at nagsalita na mas lalong nagpagulat at nagpatulala sa akin.

"By the way, you're beautiful."

Nakalayo na siya ng tuluyan sa akin, at napahawak na lang ako sa aking dibdib, ang bilis ng tibok no'n.

Anong nangyayari sa akin?

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now