Chapter 38

1K 55 4
                                    

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Nick na nasa driver's seat dahil nag mamaneho na ulit siya. Nakapag check out na kami sa hotel at uumpisahan na ang paghahanap kay Clinton.

Lahat sila ay napatingin sa akin.

"What?" takang tanong ko.

"Ikaw lang kaya nakakaalam kung saan natin mas mahahanap si Clinton."

Napakamot ako sa aking ulo dahil tama si Francine.

Iniisip ko lahat ng pwedeng lugar kung nasaan si Clinton, but he's also twenty six years old now, paniguradong iba na ang buhay niya ngayon at nagt-trabaho na.

Isa lang ang alam ko.

"Sa dati ring apartment ni Clinton!"

"Do you think na naroon pa rin s'ya hanggang ngayon?" Umiling ako.

"But we can ask someone there for information, dahil naging taga roon si Clinton." Tumango ang lahat sa sinabi ni Steel.

"Tsk." Narinig kong bulong ni Ream dahil katabi ko pa rin siya rito sa likod. Argh! Sila Francine at Celestine dapat katabi ko e, kaso yung dalawang babaeng 'yon dito ako dinala!

Nakahalukipkip ang katabi kong may madilim na tingin sa kawalan.

"Umayos ka nga!" mahinang bulong ko sa kanya pero may diin.

"What am I doing?" inosente niyang tanong.

Inirapan ko na lang siya.

Binigay ko ang address ng dating apartment ni Clinton, kaya alam ko iyon dahil nang maging kami at magkaibigan ni Clinton nakakapunta ako sa apartment niya. Pero nang malaman ko ang ginawa niya ay never na ako noon na pumunta at iniwasan na siya.

"Bakit alam mo ang apartment ng Clinton na 'yon?" Napalingon ako sa katabi ko na nasa harap pa rin ang tingin.

"Kaibigan ko siya noon."

"I don't think it's just friends. Huwag mo ng itanggi na naging kayo," iritado niyang sabi.

Imbis na bulong lang rin ang isasagot ko ay hindi ko namalayan na napasigaw na ako dahil iritado na rin ako sa kanya.

"Oo naging kami noon, ano naman sayo?!"

Natigilan siya sa sigaw ko at napalingon sa akin.

Nagulat naman ako ng lahat sila ay nakatingin sa gawi namin ni Ream na may mga mapanuksong ngiti.

"He's jealous," ani ni Steel na nasa tabi ni Nick na nagmamaneho.

"Yeah, right," sang-ayon naman ni Francine.

Pero hindi sila pinansin ni Ream.

"Tsk, ano naman sa akin? Alam mo yung sagot, Xyxy." Napunta ulit ang tingin ko sa kanya.

Titig na titig siya sa akin. Napansin ko naman ang mga kaibigan namin na hindi na nakatingin sa amin at may kanya-kanya ng ginagawa.

"Hindi ko alam kuya Ream e, paki explain naman kuya Ream." Halata ang pagiging sarkastiko sa mga sinabi ko. Ewan ko sa sarili ko pero gusto ko siyang asarin.

Nagdilim na naman ang tingin niya.

"Don't call me kuya," mahinahon niyang sabi pero may diin. As if naman na matatakot ako sa tone of voice niya.

"Kuya. Kuya. Kuya. Kuya." Then I stuck out my tongue.

Nanahimik lang siya pero kita ko na ang pag kainis niya. Kailangan pa nating ilabas 'yan.

"Hi kuya Ream." Malawak akong nakangiti sa kanya.

"I said don't call me kuya!" Napaigtad ako sa sigaw niya. Pero imbis matakot ay natawa ako.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now