Chapter 8

1.9K 94 4
                                    

Late na akong nagising, pero ayos lang naman dahil wala naman kaming pasok ngayong araw. Today is Saturday.

Nag unat-unat muna ako ng katawan bago bumangon sa aking kama.

Masyado akong napuyat sa kakaisip ng plano kung paano ako makakapasok sa bahay ng mga Mercedes, especially sa kwarto ni Ream.

Nag handa muna ako ng almusal, bago nilinis ang buo kong apartment.

Pagkatapos kong magawa lahat ng gagawin ko ay nag-ayos ako ng aking sarili.

Trip ko ngayon mag bike sa labas, puro stress na lang iniisip ko. Pupunta na rin ako sa ice cream parlor, nag crave na rin kasi ako bigla.

As usual, simple lang naman yung suot ko, yung parang simpleng tao lang ako na namumuhay sa mundo, at hindi aakalain na yung magulang ay isa sa pinakasikat na Scientist sa buong Pilipinas.

But it's better this way, ayoko rin naman mag suot ng mga expensive clothes or things.

Napabuntong hininga na lang ako. Miss na miss ko na sila, mas gugustuhin ko pang hindi na lang kami mayaman, basta magkakasama kaming lahat.

Kinuha ko na yung bike ko at lumabas. Naalala ko nang simula ng maging mag-isa na ako, ako lang yung nagturo sa sarili ko kung paano mag bike, ilang semplang yung nagawa ko bago ko ito matutunan.

Maraming bagay ang natutunan ko na ako lang ang mag-isa at kahit ni isang tao ay walang gumabay sa akin.

Nakarating na ako sa ice cream parlor at mas lalo pa akong natakam nang makita ko yung bata na dinidilaan yung ice cream niya.

"Chocolate flavor."

"Chocolate flavor."

Napatingin ako sa katabi ko, dahil sabay kaming nagsalita at parehas pa ang binanggit.

Nanlaki ang mata ko, gayon din yung lalaking kaharap ko nang makilala namin ang isa't-isa.

"Ream?"

"You!"

Sabay na naman kaming nagsalita, pero ito mukhang galit pa ata na nandito ako.

Narinig naming tumawa yung tindera sa ice cream parlor.

"Bagay kayo." Halos mabulunan ako sa sinabi nung tindera.

"Hindi kami bagay!"

"Hindi kami bagay!"

Sabay na naman kami kaya nagtinginan ulit kami, at yung tindera mas lalo pang lumakas yung tawa. Ano bang nakakatawa do'n?

"Darn. Huwag mo akong gayahin," sabi ni Ream na parang naiinis na rin.

"For your information, hindi kita ginagaya 'no! Bakit nababasa ko ba 'yang nasa isip mo kung ano yung sunod mong sasabihin!" medyo pasigaw na sabi ko, naiinis na rin kasi ako sa lalaking kaharap ko.

Ice cream lang naman pinunta ko rito, tapos makikita ko pa itong kutong lupang lalaki na 'to.

Kahit labag sa loob ko, nag simula na akong humakbang paatras at hindi na lang bibili ng ice cream. Favorite ko pa naman 'yon, sayang talaga. Bwisit kasi 'tong kutong lupang kaharap ko.

Tumalikod na ako at ready na sanang sumampa sa bike ko para makaalis na pero may kamay na humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako.

"What?" naiinis na tanong ko sa kanya.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, pero agad ko iyong iwinaksi. Bakit parang may kung anong kuryenteng dumaloy? Simula nang nakilala ko talaga itong kutong lupa na ito, may mga hindi pangkaraniwan akong nararamdaman sa sistema ko na 'di ko naman naramdaman o naranasan noon. Siguro dahil kinakabahan ako sa tuwing nand'yan siya.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon