Chapter 34 - Flashback

1K 55 0
                                    

"Mommy? Daddy?" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kwarto nila.

Nang makapasok ako ay nakita ko ang malawak na ngiti ni Mommy.

"Yes, anak?"

"Mommy, daddy! Dito ako matutulog sa inyo ah?" naka pout ko pang sabi.

"Of course, sweetie, you can sleep beside us." Masaya at patalon-talon pa akong lumapit sa kanila.

Agad naman akong kinarga ni daddy at nilagay sa kandungan niya.

Lumapit sa amin si mommy at niyakap kami ni daddy.

Nagkatinginan pa kami ni daddy at nangusap pa ang mga mata namin.

"Attack!" sabay naming sigaw ni daddy at kiniliti namin si mommy na tawa na nang tawa.

"Ano ba kayong mag-ama, tama na! Kayo talaga!" Napahinto kami ni daddy sa pagkiliti namin kay mommy at sabay-sabay kaming nagtawanan.

Ako naman ngayon ang kiniliti nila at tawa rin ako nang tawa.

Nang matapos kaming maglaro ay kinarga ako ni daddy at lumapit kami sa may pader na white. Malawak ang kwarto nila pero katapat lamang ito ng kama.

"Daddy bakit tayo dito nag punta? Ano pong mayroon?" nagtataka kong tanong.

Nagtinginan si mommy at daddy.

"Sweetie, hindi mo ito maiintindihan sa ngayon pero sasabihin namin sayo ito dahil alam naming kakailanganin mo ito. Hindi palagi na pwede ka lang naming itago, alam kong malalaman mo rin ang lahat."

"Ha? Bakit naman po daddy? Ano po bang mangyayari?" tanong kong muli dahil nalilito ako.

Hinaplos ni mommy ng marahan ang aking buhok.

"Anak, tandaan mo na ikaw lang at kami ng daddy mo ang makakapasok rito."

"Bakit po mommy? Wala naman pong pinto ah? Puro pader lang po ang kaharap natin." Lumingon ako sa likuran ni daddy at tinuro ang pintuan palabas sa kwarto nila. "Doon po oh! Ayun po ang pinto!"

Nag tawanan sila mommy at daddy, pareho nilang ginulo ang buhok ko kaya napasimangot ako.

"Alam kong maiinitindihan mo rin sa susunod ang sinasabi namin ngayon ng daddy mo... matalino kaya ang anak namin," proud na sabi ni mommy.

"Oo naman po! Mana po ako sa inyo ni daddy e!"

"Sweetie?"

"Yes daddy?"

Kinuha ni daddy ang maliliit kong kamay. Nagtaka naman ako dahil inilapat niya ito sa pader na white. May maliit doon na red dot at doon lumapat ang aking kanang palad.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nahati ang pader at parang may secret room pa.

"Hala daddy! Ang galing! Kayo po ba gumawa ni mommy nito?!" manghang tanong ko.

Pero si mommy naman ang nag lapat ng kamay niya at sumara na ito kaya bumalik ito sa pagiging pader.

"Mommy! Pasok tayo doon!" Ngumiti lamang siya sa akin at kinurot ang aking ilong.

"Pag lumaki ka na, pwede ka ng pumasok diyan anak. Kasi may mga importante diyang bagay sa loob at hindi sila pwedeng masira." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya dahil naiintindihan ko naman sila.

I Saw the Future OnceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum