Chapter 35 - Flashback

980 54 0
                                    

Nakalipas na ang araw noong hindi natuloy ang pagtakas namin kaya naman mas lalong humigpit yung pagbabantay sa amin.

Pero sa ngayon ay nagagawa ko na ulit ngumiti dahil sa mga batang kaibigan ko.

Kasalukuyan akong nilalagyan ni Celestine ng mga pang ipit niya sa buhok na may iba't ibang design.

"Ayan! Ang ganda-ganda mo na Xyrene!" Bigla akong nag pout.

Hindi ko naman talaga gusto ng mga taling nilalagay ni Celestine sa buhok ko, gusto ko yung simple lang pero dahil ito ang makakapag pasaya kay Celestine, ayos lang sa akin dahil masaya na rin ako.

"Talaga? Sayo lang naman bagay ito e."

Si Celestine naman ang nag pout ngayon.

"Fashion 'yan, Xyrene. Kapag lumaki na tayo, ako palagi mag aayos sayo ah? Kasi baka hindi ka marunong." Sabay kaming napahagikhik ni Celestine dahil sa sinabi niya.

"Oo ba!" sang-ayon ko na sinamahan ko pa ng pag tango.

"Yey!" Napapalakpak siya at niyakap ako.

"Ream! Ang ganda ni Xyrene, right?" Napalingon sa aming gawi ang tatlong batang lalaking nag lalaro.

Masayang tumango si kuya Ream habang nakatingin sa akin kaya lumawak ang ngiti sa aking mga labi.

"Sobrang ganda."

"Salamat kuya Ream!" sabi ko.

Bigla namang sumingit si Steel sa pag-uusap namin.

"Mas maganda ka pa rin Celestine, para sa akin!"

"Tse!" Lahat kaming nasa loob ng kwartong ito ay nagtawanan dahil kay Celestine at Steel.

Pakunwaring sinuntok ni Nick si Steel.

"Wala ka pala Steel kay Celestine!" Masamang tinignan ni Steel si Nick.

"Pag ako lumaki! Mag papapogi ako ng husto para mag kagusto sa akin si Celestine!"

"Hindi kaya! Kahit ikaw na lang matirang lalaki sa mundo, never ako sayong magkakagusto. Bleh!" Nilabas pa ni Celestine ang kanyang dila na inaasar lalo si Steel.

Mas lalong lumakas ang tawanan namin dahil sa mukha niya.

"Alam mo, Steel. Yung mukha mo para kang pinagbagsakan ng laruan!" Tumawa ang lahat sa sinabi ni kuya Ream pero ako ay nangunot ang noo.

"Is it supposed to be, pinagbagsakan ng langit at lupa not pinagbagsakan ng raruan! Right, kuya Ream?"

"Boom! Wala ka pala kay Xyrene e! Kawawang Ream!" Pang aasar ni Nick at Steel.

Napakamot naman si kuya Ream sa kanyang batok at may nahihiyang ngiti sa kanyang labi.

"Grabe ka naman, Xyxy. Okay na 'yon! And it's laruan not raruan." Napasimangot ako.

"Bakit ba? Raruan din naman 'yon!"

"Hays, an eight year old girl call the laruan, raruan." Pailing-iling pang aniya.

"Sabi mo e! Basta I still call it raruan, and i'm not bulol!" Inunahan ko na sila.

I know it spell as l-a-r-u-a-n but I am comfortable to call it raruan so I don't have any choice but to fight for it.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon