Chapter 39

1K 60 4
                                    

Nakaupo na kami sa isang mamahaling sofa sa loob ng office ni Clinton na nandito lang rin sa malaking hotel niya. Pero mukhang hindi nga ito office dahil para na itong bahay, kompleto lahat, may mga kwarto, salas, kitchen...

Napatulol ang aking pag-iisip nang may magsalita.

"What really happened to all of you? Kahit ang Dean ng school natin ay hindi alam kung bakit kayo nawala. Even our schoolmates, wala. Kahit ngayong may trabaho na ako at pinahanap si..." Then he looked at me, "...Trixy, and the result was nothing. Wala man lang nagawa ang mga private investigators ko. Para kayong naglaho na parang bula."

"Tsk." Narinig ko na naman ang famous line na 'yan ni Ream, syempre sino pa ba?

"Umayos ka nga, Ream!" suway ko.

"What? I'm clearly fine." I glared at him.

"Kayong dalawa? Puro kayo palagi bangayan e! Patapusin niyo kaya si Clinton." Si Francine na umiling-iling pa.

Narinig kong tumikhim si Clinton.

"Tell me everything," he command.

Nakita kong bubuka na sana ang bibig ni Francine ngunit umiling ako. Wala siyang dapat malaman.

Nagkatitigan kaming lahat at natahimik.

Tinitigan ako ni Clinton.

"I know, Trixy. Natatakot ka na madamay ako, but in the first place damay na ako nang malaman ko ang trabaho ng mga magulang mo and sa research na ginagawa nila but I don't know exactly kung ano talaga 'yon." Napayuko siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Remember nang makita mo kami noon ng dad mo na nagkasagutan? Alam namin ng dad mo na nagtatago ka."

Nanlaki ang mga mata ko.

"P-Paano?"

"Sinadya 'yon ng dad mo para lumayo ka sa akin. Hindi rin ako payag na malayo sayo that time pero nangangailangan ako nang araw na iyon, may sakit ang lola ko at hindi ko na alam kung saan ako hahanap ng pera. Kaya nang makita mo akong tinanggap ang malaking halagang pera na inoffer ng dad mo para sa Lola ko iyon." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"Bakit gusto ni dad na mahiwalay ako sayo?" tanong ko. Nalilito pa rin ako, dahil bakit nag offer pa siya ng pera kay Clinton kung pwede niya naman itong sabihin.

"Dahil ayaw niyang madamay ako. At alam niyang hindi ako papayag sa gusto niya na malayo ako sayo, kaya ginamit niya ang pera."

Tama ang sinabi ni Clinton. May tumulong luha sa mga mata ko, kung ako ang nasa posisyon ni dad ay gagawin ko rin ang ginawa niya. Kahit ayaw kong malayo sa akin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko ay gagawin ko kung kaligtasan nila ang kapalit.

He's an amazing father.

Pinunasan ko muna ang tumulong luha sa mata ko. "I understand."

"May I know everything, now?" Tumango ako sa tanong niya.

Bumuka ang bibig ko at ako na mismo ang nag kwento sa kanya sa kung ano ang nangyari nine years ago. Simula nang pumunta ako sa party at sa tito kong traydor, ang pagkasunog ng mansyon ng mga Mercedes, ang pagdakip sa amin nila Francine, Celestine, Nick, Steel at Ream. Pati ang pagtulog namin ng nine years para sa research nila na hindi ko inakala kaya napalpak ang aking plano, pati ngayong gumising na kami at tumakas.

May idinagdag na rin sila Francine sa kwento ko para mas maintindihan niya.

"So bakit kailangan niyo ang tatay ko?" tanong niya na nakakunot ang noo.

"Dahil sabi ni dad sa akin noon na may isa pang lagusan ang secret underground at si Ronaldo Ramirez lang ang nakakaalam ng lugar na 'yon, ang tatay mo na naging family driver ng parents ko," paliwanag ko.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now