Chapter 23

1.3K 69 5
                                    

"Bye!" I smiled at them while waving my hand.

Hinatid nila ako gamit ang sasakyan ni Francine na palaging nagsusundo sa kanya.

I'm so happy right now that I forgot my problems. Nilibre ko rin sila ng ice cream kanina katulad nang sinabi ko.

Napangiti na lang ako na naglakad papunta sa pintuan ng apartment ko ng tuluyan nang makaalis ang sasakyan nila Francine.

Pagkapasok ko sa aking apartment ay pumunta ako sa aking kwarto at naupo sa gilid no'n.

Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto kung saan kita ang pagdilim ng kalangitan.

"Mag gagabi na pala," sabi ko sa sarili ko.

Nagbihis lang muna ako at nag suot ng cotton short at nakasando lamang med'yo mainit kasi.

Pumunta ako sa kusina at nagluto para makakain na ng hapunan.

Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan at naglinis ng kaunting kalat sa loob ng aking apartment.

Ginawa ko muna ang aking mga assignments at nagbasa ng kaunti para sa magiging lesson namin bukas at nahiga na sa aking kama.

Pabagsak akong humiga. Napatingin ako sa kisame ng aking kwarto habang may malalim na iniisip.

Paulit-ulit na lang akong nagkaka-nightmares at halos pare-pareho lamang iyon at walang pinagbago.

Yung masaya pa kami nila Mom and Dad. Yung pag turok sa akin ng syringe ng mga taong naka-lab gown. Yung pag ligtas sa akin ni Ream at pag sama ko sa magulang ni Ream at may part pa roon na natatakot akong malaman... yung pagputok ng sunod-sunod— alam kong baril 'yon. Sino ang tinamaan no'n? Natatakot akong malaman.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.

Natatakot akong matulog dahil baka may malaman na naman ako. Napakamisteryoso ng lahat at ako mismo hindi kilala ang sarili ko.

Sino nga ba ako?

Ang alam ko lang ay ako si Xyrene Trixy Montilla, isang babaeng nagtatago sa pangalang Trixy Buenavista para maiwasan ang mapanganib na buhay.

Nagsasawa na ako na palagi na lang akong magtatago at palagi na lang akong nililigtas.

Tumalim ang tingin ko.

"It's time. It's time for me to protect all the people that I love. I'm not a damsel in distress anymore. And that's a promise."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay unti-unti ng pumikit ang mga mata ko at nakatulog.

At muli na namang nanaginip ako, pero wala pa ring bago sa panaginip na 'yon.

Maaga akong nagising dahil hindi na ako nakatulog kaya nag-ayos na ako ng aking sarili para makapasok.

Kumain lamang ako ng sandwich at uminom ng gatas para sa almusal.

Sumakay na rin ako ng tricycle na maghahatid sa akin sa school, pero as usual hindi ako sa mismong school nagpababa dahil baka may makakita sa akin na tricycle ang sinasakyan gayong ang mga mag-aaral sa paaralang ito ay anak ng mga mayayamang tao. Alam kong huhusgahan nila ako kaya mabuti na lang ang umiwas sa gulo.

"Bayad po. Keep the change na lang po." Nginitian ako ng mabait na tricycle driver. Siya ang madalas na sinasakyan ko dahil mabait si Manong at alam kong kapos sila kaya minsan hindi ko na kinukuha ang sukli ko para makatulong man lang kahit papaano at utang na loob ko na rin 'yon dahil nahahatid niya ako ng maayos at ligtas.

"Salamat ineng, may pang baon na naman ang mga anak ko dahil sa laki ng binabayad mo."

Napangiti na lamang ulit ako.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now