Chapter 5

2.2K 120 3
                                    

Natapos ko na lahat ng gawain ko, at hindi ko namalayan na unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko dahil sa pagod, at nang makatulog ako ay napanaginipan ko ang nangyari sa akin nang seven years old pa lamang ako na matagal kong nakalimutan...

Napatingin ang 7 yrs old na batang ako kay mommy na nilalagyan ang plato ko ng pagkain, at sinusubuan ako, pati si Dad ay sinusubuan din ni Mommy ng pagkain. Sobrang saya ko dahil kasama ko si mommy at daddy.

Hinawakan bigla ni mommy ang mga munti kong kamay bago nagsalita.

"Anak, kahit anong mangyari huwag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin ng Dad mo ha?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Mommy pero hinayaan ko na lamang 'yon at nginitian silang dalawa ni Daddy.

"Opo, Mommy. Mahal na mahal ko rin po kayo ni Daddy."

Pagkatapos naming kumain ay kinarga ako ni Daddy at pinunta sa aking kwarto.

Nagkwento si Daddy ng iba't bang kwento hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako at naailimpungatan ng may parang mga kamay ang hindi pamilyar na kumarga sa akin.

Tinignan ko ang lalaking kumarga sa akin, at nakita ko si Mommy at Daddy sa may gilid na nakatingin sa akin.

"Mommy! Daddy!!" Umiyak ako ng malakas dahil natatakot ako.

"Saglit ka lang sa kanila baby, okay?" pagpapakalma sa akin ni Daddy pero umiiling-iling lang ako.

"Ayaw ko po! Gusto ko po sa inyo, balik na po ako." Umiiyak pa rin ako, at napansin ko yung mga taong nasa paligid ko ay mga nakaputing uniporme kagaya ng mga sinusuot ng magulang ko, lab gown 'yon sa pagkakaalala ko na sinabi ni Daddy.

Nagsimula na ring umiyak si mommy. "Sorry anak, sorry. Alam kong hindi mo pa ito maiintindihan pero hindi namin ito ginusto ng Daddy mo. Gagawin namin ang lahat para sa ikabubuti mo, anak."

Hindi ko man naintindihan ang sinabi ni Mommy pero alam kong nasasaktan din sila sa nangyayari, parang kanina lang ay ang saya pa namin.

"Mommy, diba sabi mo po mahal na mahal niyo ako? Ayaw ko po sa kanya." Tinuro ko yung lalaking may hawak sa akin at naiinis na ata dahil nagwawala ako sa pagkakakarga niya sa akin.

Umiiling-iling lang si Mommy habang umiiyak, tumingin ako kay Daddy baka sakaling maawa siya sa akin pero nakita ko lamang na yumuko ito.

"Where's the injection? I need it right now," sabi ng lalaking may karga sa akin.

Napasigaw ako nang may biglang matulis na bagay ang tumurok sa aking munting braso.

"Mommy!!!" huling sigaw ko at unti-unting pumikit ang mga mata ko.

Bigla napamulat ang mga mata ko, napahawak ako sa aking mukha at may mga luha akong nakapa roon.

"Anong panaginip 'yon? Bakit nandoon sila Dad and Mom?" pag kausap ko sa sarili ko.

Hindi ko na naalala yung mga nangyari sa akin nang seven years old pa lamang ako. Siguro part 'yon ng kabataan ko na nakalimutan ko na.

"Kailangan kong makausap sila Mom and Dad sa napanaginipan ko," pag kausap ko ulit sa sarili ko.

It's not just a normal dream, it's one of the lost memories of mine.

Baka isa 'yon sa dahilan kung bakit nila ako tinatago.

Napatingin ako sa aking orasan at medyo maaga pa pero nag ayos na ako para makapasok na sa school namin.

Tulala pa rin akong naglalakad sa mag hallway ng school namin, ang dami kong iniisip tapos sumama pa yung panaginip kong iyon.

"Aray!" Sabay kaming bumagsak ng nakasanggaan ko sa paglalakad.

"Sorry," sabay naming sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Celestine?"

"Trixy?"

Sabay na naman kaming nagsalita kaya bigla kaming natawa nang sabay.

"Sorry ako ang hindi tumitingin sa daan," sabi niya na inayos pa ang kanyang malaking salamin sa mata.

"Ayos lang, ako rin naman," sabi ko na lang din.

"Papunta ka rin bang cafeteria? Sabay na tayo?" tanong niya at ngumiti na lang ako at tumango sa kanya.

Habang naglalakad kami ay may narinig akong bulungan ng ibang estudyante.

"Balita ko hindi pumasok ngayong araw sila Nick, Steel at Ream."

Oo nga, hindi ko rin sila napansin ngayon, mas okay na 'yon dahil kung nandito pa sila baka kung ano na naman ang mangyari. Marami na akong iniisip. Siguro may mas importante silang ginagawa ngayon. Ayos na 'yon para sa akin, I need to take a break even in a small period of time.

"Ahm, Celestine? Scholar ka rin diba?" tanong ko bigla, kinausap ko na siya habang naglalakad kami para hindi naman siya mabagot na kasama ako.

"Oo, wala na kasi akong mga magulang at ako na lang yung bumubuhay sa sarili ko."

"Parehas pala tayo." Medyo nagsinungaling ako sa sinabi ko. Mayroon pa rin naman akong magulang pero wala naman sila sa tabi ko, although binibigyan nila ako ng suporta pero ako na rin yung bumubuhay sa sarili ko. Sanay naman na ako.

"Ang hirap 'no?" Napatango ako sa tanong niya. Napakahirap talaga.

Nakarating na kami sa cafeteria at sinabi ko sa kanya na maghanap na siya ng table namin at ako na mag-oorder.

Sinabi ko na ilibre ko siya ng pagkain at hindi siya pumayag, pero pinilit ko pa rin dahil alam kong hindi naman siya ganoon karami ang pera dahil siya lang naman ang mag-isa katulad nga nang sabi niya, eh ako? And'yan pa rin naman ng mga magulang ko na binibigyan ako palagi ng allowance para sa pang araw-araw ko at sobra-sobra palagi ang binibigay nila. Hindi naman pera ang kailangan ko, sila lang na nasa tabi ko ay ayos na sa akin.

Napabuntong hininga ako nang maisip ko na naman ang mga magulang ko.

Nang makaorder na ako ay pumunta ako sa napiling table ni Celestine.

Nakita kong nakangiti ito sa akin. Tinitigan ko ng mabuti si Celestine, kung wala ang mga malalaking salamin ang nagtatakip sa mga mata niya, kung wala ang braces sa ngipin niya, kung mag-aayos siya ng sarili niya, alam kong sobrang ganda niya.

Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

She’s literally hiding her physical features.

Lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon ay may tinatago. Lahat ay napakamisyeryoso sa akin.

Bakit parang feeling ko pati siya ay may tinatago? Konektado rin ba siya sa mangyayari sa future?

Kailangan kong makita ang tunay na Celestine na maayos, walang malaking salamin at walang braces sa ngipin, sigurado akong siya yung babaeng nakita ko nang makapunta ako sa future no'n.

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now