Chapter 44

796 42 4
                                    

I stood up and gazed at them.

"So where are we? Kahit saan tayo pumunta ay may nakaabang sa atin," I stated after asking about this information to my robot, Lexie. She can track it since she's also here.

"Sa north tayo, doon muna tayo sa kaunti, we can't scarifice ourselves, kailangan malakas pa rin tayo pag nakita sila Marco." Lahat kami ay nagtanguan at sumang-ayon sa sinabi ni Ream.

Agad na kaming kumilos habang dahan-dahang naglalakad para 'di pa kami makakuha ng atensyon, may naghihintay pa rin sa amin sa dulo nito.

Si Lexie naman ay hindi na namin binuhat dahil sa bigat niya since gawa sa bakal ang kanyang katawan, kaya't ginamit niya ang gulong sa pinakababa niya para makausad siya at makasabay sa amin.

Hanggang sa papalapit na kami nang papalapit ay nakikita na namin ang kumpol-kumpol na mga lalaking nakasuot ng itim.

Marco really planned this well, they are not scientist but guards of this place.

May lumingon sa gawi namin kaya't sabay-sabay kami ng mga kasama ko na napaayos ng tayo at hinanda na ang aming mga sarili.

Agad silang sumugod sa amin. At pumunta sa harapan naming mga babae ang mga lalaking kasama namin na parang pinoprotektahan kami.

I grabbed that opportunity at hinila ko si Lexie kasama si Francine sa isang tagong lugar. Francine can't fight, maari siyang masaktan.

"But I—" agad na angal ni Francine na nakanguso.

"No buts, you stay here with Lexie. Mas makakabuti ito sayo, hindi rin papayag si Ream na lumaban ka kahit naturuan ka na namin sa secret underground. Delikado, at bantayan at alagaan mo si Lexie, alright?" bulong ko ng mariin habang nakahawak sa kanyang balikat.

"Sige, mag-iingat kayo, balikan niyo ako rito ha." Tumango ako at niyakap siya.

Nag stretch ako ng katawan habang pabalik sa kasalukuyang pakikipag laban nila.

Marami ng nakalibot kay Ream, Nick at Clinton, pero magkakahiwalay sila ng pwesto. Si Celestine at Steel naman ay magkasama sa paglalaban.

Nakita ko kung paano nilang kadali na napapatumba ang iba. Sa pag stay namin ng ilang buwan sa secret underground ng mga magulang ko ay nag ensayo kami para rito. Alam namin na darating din kami sa ganito, we can't just hide forever... we need to face the reality and this is it.

This is really happening.

May nakakuha ng atensyon ko at pumunta agad sila sa akin. Agad akong tumalon sa ere at pinatumba yung tatlo.

Binabalian ko lamang sila ng buto sa katawan nila kung saan makakatulog o mapapalya lamang sila. We also planned and decided not to kill anyone here. They are just following Marco, and they are all innocent, wala silang alam sa research na 'to.

Pero sa mga vital parts na rin namin sila tinatamaan para hindi na tumagal ang magiging laban.

"Trixy!" sigaw ni Ream kaya napayuko ako nang may maramdamang sasaksak sa aking likuran.

Narinig ko ang malakas na kalambag at nakita kong nakapatong na si Ream sa lalaki at paulit-ulit itong sinusuntok.

"Ream tama na! He already pass out!"

Pagkatayo ni Ream ay bumalik na kami sa pakikipaglaban.

"They can harm me, but not you my wife," hinihingal na sabi ni Ream sa likuran ko na nakikipaglaban.

"Just focus, I can protect myself," sagot ko kahit hindi ko siya makita dahil nasa harap ako ng apat na lalaki at nag hand to hand combat.

Napansin ko lang ay walang gumagamit na baril sa kanilang lahat, o kahit anong pasabog. There's something wrong.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now