Chapter 29

1.2K 62 5
                                    

Nagbayad si Ream sa taxi na sinakyan namin na galing din sa bulsa ng pants niya ang kanyang wallet.

Bumaba na kaagad kami at halos takbuhin na ang papadilim ng daanan papunta sa mansyon nila Ream.

"Wait, Ream! Kanina pa tayo takbo nang takbo, nakakapagod." Nilingon lang ako ni Ream na kapwa ko na hinihingal na rin.

Nakahawak pa ako sa aking tuhod para roon kumuha ng lakas at hindi matumba.

"Malapit na tayo sa village. Tiisin mo na lang, this is more important than your energy," ani niya at kung hindi pa ako pagod ay nabatukan ko na siya. Napaka insensitive! Hindi niya ba nakikita na halos maligo na ako sa pawis sa kakatakbo namin?

"Let's go." Hinawakan na niya ang kamay ko at tumakbong muli.

Familiar na ako at sigurado ako na malapit na kami sa mansyon nila dahil nakapunta naman na ako rito noon.

Pero nakakapagtaka dahil maraming tao ngayon na nakatingin sa malaking mansyon na nasusunog.

What's happening?

Napalabi ako at muling tinukod ang kamay ko sa aking tuhod nang huminto na kaming tumakbo.

Kitang-kita ko ang pagliyab ng apoy sa buong mansyon.

"R-Ream! Bakit nasusunog ang buong mansyon niyo?"

Napaikot pa ng dahan-dahan si Ream sa kinatatayuan niya dahil sa pagkadismaya at hinilamos pa ang kanyang kamay sa buo niyang mukha. Narinig ko na naman ang sunod-sunod niyang mura at ang paggulo niya sa kanyang buhok.

"Planado ang lahat!" sigaw niya pa.

Taka naman akong tumingin. Sino ang may gawa nito? Bakit? Ano bang gusto nilang mangyari?

"It's my birthday,"dinig kong bulong niya sa kanyang sarili na parang may na realize.

"What?! Today is your birthday?" tanong ko.

Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Umiling siya at hindi pinansin ang tanong ko sa kanya.

"Planado niya itong lahat. Halika Trixy, nasa loob sina Nick at Steel pati ang kambal ko. Kailangan ko silang iligtas." Halos mag makaawa ang boses niya, at nakita ko ang pagpungay ng mata niya na palaging walang emosyon.

"Ream, hindi tayo basta-basta makakapasok diyan. At hindi sila mapapahamak dahil alam naman nating malalagpasan nila 'yan, matatalino sila diba kahit mga loko-loko?" Parang nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi ko.

He took a deep breath at nag-isip na kung ano ang dapat niya gawin.

Natataranta na rin ako sa loob ko pero hindi ko 'yon pinapahalata kay Ream dahil kung ipapakita ko pa iyon, mas lalo lang siyang malulugmok.

I need to think para makatulong sa sitwasyon namin.

"Today is my birthday Trixy, at alam ito ng nasa likod ng may gawa nang pangyayaring ito. Alam niyang pupunta ako sa iyo dahil nalaman ko na, na ikaw ang anak ng mga Montilla, kaya gumawa na rin sila ng hakbang na gawin ito sa mansyon ng mga Mercedes dahil alam nilang busy ang mga taong mahahalaga sa akin sa pag gawa ng surprise para sa birthday ko dahil palagi nila 'yong ginagawa nila Francine... at dahil nag plano sila, alam nila na wala sa seguridad ng paligid ang atensyon ng mga kaibigan ko at wala rin ako roon para mabantayan at ma-secure ang siguridad ng mansyon and they grab this opportunity. You're not their main target for now. Trixy, help me to help my friends and my twin." Napahanga ako dahil sa naisip niya kaagad ito, pero mas lalo akong napahanga dahil mag makaawa siya para mailigtas niya ang mga mahal at mahahalagang tao sa buhay niya.

I Saw the Future Onceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن