Chapter 15

1.7K 86 7
                                    

Nandito na kami nila Ream at Francine sa mansyon nila, oo mansyon, sobrang laki at ang ganda kasi, na kahit nakapunta na ako rito ay namamangha pa rin ako.

I sat on their sofa. Sila Nick at Steel naman ay sumaglit lang dito at umalis agad.

Tumingin ako kay Francine nang umakyat siya sa hagdan nila, at si Ream naman na nandito pa rin sa sala na nakaupo rin sa sofa na katapat ko.

"Francine?" tawag ko sa pangalan niya nang bumalik muli siya sa sala. Akala ko kasi siya yung mag-aasikaso sa akin, ayon kay Ream.

"Si Ream na mag-aalaga sayo Trixy," nakangising sabi ni Francine. Kaibigan ko ba talaga 'to?

Sinagaw ko pa ang pangalan ni Francine nang tumakbo siya paakyat at nawala na lang bigla sa paningin ko.

Napatingin ako sa tahimik na Ream, nakahalukipkip lang ito na nakatingin sa akin.

Tumayo ako. "A-Ah, aalis na lang ako."

Tumayo rin siya at lumapit sa akin "Huwag matigas ang ulo."

Nagpatinaod ako sa hila niya sa akin. Umakyat din kami sa second floor, at pumasok sa isang kwarto na walang masyadong gamit.

"Dito ka matutulog sa guestroom," sabi ni Ream na hila-hila pa rin ako sa plapulsuhan ko.

Nang makapasok kami sa kwarto ay binuksan ni Ream ang ilaw. Namangha na lang ako sa ganda ng kwarto, paano pa kaya pag nadesenyohan pa ito? Sigurado akong mas lalong gaganda ito.

"Maupo ka diyan." Wala akong nagawa at umupo ako sa malaki at malambot na kama dahil sa utos niya.

Sinundan ko ng tingin si Ream nang lumabas siya ng kwarto at iwan ako rito mag-isa. Saan siya pupunta?

Nilibot ko lang ang tingin sa buong kwarto habang wala pa si Ream.

Kanina ko pa gustong matulog dahil masakit at kumikirot pa rin ang ulo ko.

Ang tagal ni Ream kaya humiga muna ako sa kama at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

Nakaramdan ako na marahan na tapik kaya nagising ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay si Ream kaagad ang bumungad sa paningin ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa noo ko, "ang init mo pa rin."

"Kainin mo muna itong lugaw na niluto ko para makainom ka ng gamot." Nakita ko ang lugaw at isang baso ng tubig sa may bed side table.

Kahit nagtataka ay napaupo ako sa kama. Si Ream ba talaga itong katabi ko ngayon?

Kinuha niya ang plato na may lugaw at binigay sa akin.

Inumpisahan ko na ang pagkain ng lugaw, at medyo naiilang pa ako dahil nakatitig pa rin siya sa akin.

"H-Huwag ka nga tumingin," naiilang na sabi ko dahil seryoso pa rin siyang nakatitig.

"Masarap ba?" Nagulat ako sa naging tanong niya, iba kasi yung inaasahan kong sasabihin niya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango, bigla siyang ngumiti. Ngiti na parang bata na pinagbigyan ng mgulang sa gusto niya.

"Seriously? Yung sarap talaga ng luto mo ang tinanong mo?" Nawala ang ngiti niya at biglang ngumuso.

"Si Francine kasi, palagi niyang nilalait yung luto ko," nakanguso pa ring sabi niya, kaya hindi ko na napigilan at natawa na ako.

Kinuha ko ang tubig at uminom doon ng kaunti.

"Why are you laughing?" Bumalik na naman siya sa pagkaseryoso, pero tumatawa pa rin ako. Bipolar ata 'tong lalaki na kaharap ko.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now