Chapter 30

1.2K 57 7
                                    

Nag mulat ako ng aking mga mata at napansing narito pa rin ako sa kwarto.

May pumasok na dalawang nakaitim na lalaki at lumapit sa akin.

"Anong gagawin niyo sa akin?" tanong ko sa dalawa na hinawakan na ang aking mag kabilang braso pero hindi nila ako sinagot.

Gusto ko mang manlaban ay hindi ko magawa dahil mahina pa rin ang katawan ko.

Naalala ko bigla nang makalabas ang tito ko sa kwartong ito ay may pumasok na naka lab gown din at tinurukan ako ng syringe kaya nakatulog ako.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na kinakaladkad ako palabas.

"Ilang araw akong nakatulog?" tanong ko at sana ay sagutin na nila akong dalawa.

Nagtinginan pa sila bago ako sagutin  ng isa ang tanong ko. "Dalawang araw na."

What?! Dalawang araw na akong hindi nakakapasok sa school! Yung finals namin ngayong araw na iyon! Anong gagawin ko?

Pero kailangan ko pa ba iyong isipin? Sa mga nangyayari sa akin ngayon at mas mukhang importante ito.

Magbabayad ang mga nasa likod nito. Kung sino-sino man sila ay hindi ko sila mapapatawad.

Nasa labas na kami at halos masilaw ako sa liwanag ng mga ilaw at dahil puro puti ang nakikita ko.

Pumasok kami sa may isang kwarto ngunit maaliwalas na ito at malaki. May mahabang lamesa doon na parang may mangyayaring meeting.

"Pag tumakas ka, hindi kami mag dadalawang isip na patayin ka." Napalunok ako sa sinabi nila pero hindi ko ito pinahalata. I will never give them satisfaction to that.

Ngumisi ako sa kanilang dalawa na nag dala sa akin dito at nakita ko ang pagtataka nila kahit may itim na tela ang nakabalot sa kanilang kalahating mukha.

"Really? I know that I am too important to be killed by you." Parang naasar silang dalawa sa sinabi ko pero lumabas na lamang sila.

Alam ko na kailangan nila ako kaya hindi nila ako basta-basta papatayin. At iyon ang aalamin ko, dahil hindi nila ako hahanapin ng ganoon katagal kung wala silang kailangan sa akin.

Umupo ako sa isa sa mga upuan at pinagdaop ang aking mga paa at kamay. I need to be calm.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay may mapansin akong naglalakad sa labas ng kwarto na ito dahil glass lang ang pagitan nito pero may curtain itong nakaharang pero nagawa ko pa ring masilayan kung sino iyon.

Nolan!

Tumayo kaagad ako sa aking pagkakaupo at lumapit sa may glass at hinawi ang curtain na nakaharang.

Kinalamapag ko ito at sumisigaw sa loob kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig pero napatingin siya sa gawi ko na nanlalaki ang mga mata.

"Nolan! Help me!" I whispered carefully at mas klinaro pa ang pagkakasabi para mabasa niya ang sinasabi ko kasi hindi niya ako maririnig dahil sa salamin na namamagitan sa amin.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya. Umatras ang kanyang paglalakad na palalayo sa kinaroroonan ko at ako naman ngayon ang gulat na gulat sa pwesto ko nang inakbayan siya ng tito ko na sumulpot na lang kung saan, ang traydor.

Nag-usap sila na normal at parang magkakilala na sila.

Bakit hindi ko naisip noong una pa lang? Bakit nga ba napunta sa lugar na ito si Nolan? Hindi naman siya isa sa mga limang bata na kailangan nila. At kung nandito man siya, isa lang ang pwedeng maging dahilan... kalaban namin siya.

Nakita kong nag ngitian pa sila ni tito bago tuluyang umalis, pero lumingon pa sa gawi ko si Nolan at pinakita ko sa kanya ang walang emosyon kong mukha, hindi katulad kanina na halos mag makaawa na ako sa kanya para matulungan.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now