Chapter 11

1.8K 85 8
                                    

Kahit nahihilo ay iminulat ko ang aking mga mata, at nasanay rin sa liwanag.

"Base on your stories, I think your friend have her trauma from her past." May narinig akong nagsalita na hindi pamilyar sa akin ang boses.

Napatingin ako sa gawi nila, nandoon sina Francine, Celestine, Steel at Nick. Nilibot ko ang aking paningin at nasa clinic kami ng school.

"Siguro nga, kasi kita talaga sa mata ni Trixy yung takot nang natutok ko sa kanya yung tiip ng ballpen ko," sabi ni Francine at napatingin sa gawi ko.

"Oh! Gising na si Trixy!" sabi ni Francine nang nilingon ako at agad silang lumapit sa akin.

"Sige po Doc, salamat," narinig ko pang sabi ni Nick at lumapit na rin sa gawi ko nang makaalis na yung doctor.

"What happened?" tanong ni Nick sa akin, pero hindi ko siya sinagot.

Nahihiya ako, dahil kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko nagawa. Dahil lang sa ballpen ay naging talunan na naman ako.

Hindi na ulit ako papayag na mangyari ulit 'yon sa akin.

"Huy, Trixy." Napatingin ako kay Steel na hinarap ang kamay niya sa mukha ko at kinaway-kaway ito.

"Tulala ka? Kinakausap ka namin."

"A-Ah, sorry. Uwian na ba?" tanong ko sa kanila at nagsitanguan naman sila.

"Okay naman na ako, sorry sa abala." Tumayo na ako sa aking pagkakahiga sa kama at inayos ang aking damit.

"Sure ka ba diyan Trixy?" Nag nod lang ako sa tanong ni Francine.

Tumingin ako kay Nick na seryoso lang na nakatingin sa akin. "Salamat pala Nick." Tumango lang din siya.

"Hatid ka na namin pauwi," sabi ni Francine.

"Hindi na, at saka dala ko naman yung bike ko." Hindi kasi ako nag tricycle ngayon, naka P.E uniform naman ako kaya ginamit ko yung bike ko, papunta rito sa school.

"Ano ka ba Trixy, nanghina ka kanina tapos mag b-bike ka," suway sa akin ni Francine.

"Maayos naman na ako, kaya ko na yung sarili ko." Nag umpisa na kaming mag lakad at nagpasalamat kami sa doctor bago makalabas ng clinic.

"tsk, ang tigas ng ulo," narinig kong bulong ni Nick.

"Anong sabi mo?" Tinignan ko siya ng masama. Magkasing ugali pala itong si Nick at Ream, mabuti pa si Steel.

"Tsk, kung ayaw mong ihatid, 'di huwag." Nauna na siyang maglakad sa amin at sinundan naman siya ni Francine na pinahinto.

"Ahm, Trixy una na ako ah?" sabi ni Celestine at inayos ang pagkakahawak sa dala niyang libro.

Tumingin ako kay Steel. "Hatid mo siya."

Parehas silang gulat na napatingin sa akin "H-Hindi na," tanggi ni Celestine.

"Sige, hatid na kita sa inyo may sasakyan naman ako." Gulat naman akong napatingin sa kanila.

"Nag d-drive ka na nang sasakyan? Wala ka pa sa 18 ah?"  Napakamot sa ulo si Steel dahil sa sinabi ko.

"Oo eh, kami nila Nick at Ream. Nag d-drive na kami ng sasakyan." Nangunot ang noo ko sa kanya, pati si Celestine ay nagtataka rin.

"Pwede na kayo?" tanong kong muli sa kanya.

"Hindi, basta huwag lang papahuli, hehe." Bigla kong nabatukan si Steel.

"Aray ko naman Trixy." Tumawa si Celestine sa ginawa ko, kaya mas lalong napahiya si Steel.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now