Chapter 13

1.6K 91 10
                                    

Nag paalam ako sa aming teacher na mag C-CR, kaya ito ako ngayon at naglalakad mag-isa sa hallway. Tapos naman na ako sa sinusulat ko kaya lumabas muna ako ng room namin, gusto ko lang talaga magpahangin.

Naalala ko yung pagtawag ulit sa akin ni dad at mom kagabi. Gusto nila akong ilipat ng school, dahil nalaman na nilang dito na rin nag-aaral si Clinton. Hindi ako pumayag sa gusto nila, at ginawa ko ang lahat pumayag lang sila sa gusto ko, nagkasumbatan pa kami dahil lang doon.

Hindi ako pumayag dahil ayaw ko ng takasan ang problema ko. Ayaw nilang sabihin sa akin, kaya ako na mismo ang hahanap sa lahat ng sagot sa mga katanungan ko.

Hindi rin ako pumayag dahil sa nakita ko sa future, may misyon pa akong kailangan na gawin.

Hindi ko napansin at nasa CR na pala ako ng girls. Papasok sana ako sa loob, ngunit narinig ko ang pamilyar na boses ng mga babae. Sila yung tinutukan ako ng ballpen, na siyang nagpakita ng kahinaan ko. Hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa CR, baka may kung anong mangyari na naman, at baka may magawa na akong hindi maganda.

Nag stay na lang ako sa may benches, hindi na ako bumalik sa classroom namin, wala naman ng gagawin at lunch break na ang next.

Ako lang ang mag-isa dito sa may bench, wala pang masyadong mga estudyante dahil may klase pa.

Nagulat ako ng may maramdaman ako sa aking likod, pero agad ko yung naiwasan. Kutsilyo.

Hindi lang 'yon basta kutsilyo. Muntikan na akong matamaan kung hindi ako nakailag.

Pinulot ko 'yon at nalaman kong throw knife ang muntikan ng tumama sa akin.

Agad kong nilingon kung sino ang pangahas na nagbato sa akin no'n.

"Ikaw talaga yung babaeng nakilala ko na kakaiba."

"What the— Clinton! Nababaliw ka na ba? Paano kung may nakakita sayo na may dala kang ganito?" Ngumisi siya habang lumalapit sa akin, at kinuha ang throw knife na nasa kamay ko.

"Why? Alam kong mayroon ka ring dala na ganito." Muli siyang ngumisi kaya napalunok ako, tama siya.

"Am I right?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan ko lang siya.

"Ano bang kailangan mo? Bakit ka pa bumalik?"

"Sasagutin ko 'yan... Sa isang kondisyon."  Napabuntong ako sa sinabi niya, hindi pa rin siya nagbabago. Alam ko na kung ano ang naiisip niya.

"Maglalaban tayo, gamit ang mga kutsilyong dala natin." I shooked my head in disbelief because of this man in front of me.

"Kapag nanalo ako sasagutin ko lahat ng tanong mo, at papayagan mo na akong makalapit sayo." Ngumisi ulit siya, na siyang kinainis ko.

"At kapag ako ang nanalo, sasagutin mo lahat ng tanong ko at lubayan mo na ako, kung maari huwag ka na rin dito mag-aral," sabi ko sa kanya na walang emosyong makikita sa aking mukha, para mas makita niya na gusto kong manalo sa laban namin.

"Isang daplis sa kahit saang parte ng katawan natin... you know what I mean." Tumango ako sa sinabi niya.

"Deal."

"Okay, deal"

Sumunod ako sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Oo, ngayon na rin namin gagawin ang labanan. Hahanap lang kami ng lugar na hindi pinupuntahan ng mga estudyante.

Isang daplis lang, Trixy. Isang daplis lang. Alam kong mas magaling siya sa akin, mas bihasa. Pero may maiibubuga rin naman ako sa ilang taon na traning at pag-aaral na ginawa ko, pwede ko pa rin siyang matalo and besides maparaan ako pagdating sa ganito.

I Saw the Future OnceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant