Chapter 7

1.9K 98 3
                                    

Sinasabi ko na nga ba, eh. Kapag nasa iisang lugar talaga kaming dalawa ni Ream may hindi magandang nangyayari.

"Ream! Bakit mo hinihila si Trixy? Saan mo siya dadalhin?!" sigaw ni Francine, dahil nagulat na lang kaming lahat nang tumayo si Ream at hinila ba naman ako bigla.

"Kakausapin ko lang yung 'bisita' natin." Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya, pero ang loko mas hignigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako, at isa pa bisita ako ni Francine at hindi mo bisita." Tumingin siya sa akin ng masama kaya napatahimik ako.

"Bwisita rin kita dahil nasa bahay ka namin." Aba! At saan nanggaling ang bwisita?!

"Hoy! Anong bwisita! Ikaw nga 'tong hila na lang nang hila sa akin!" sigaw ko sa kanya.

"Tss, ang ingay mo." Nagulat ako nang binitawan niya ako, nasa second floor na kami at dahil sa laki ng bahay na ito hindi ko alam kung saan kaming parte ngayon. Pasikot-sikot kasi yung dinaanan namin kanina.

Here we go again! Kaming dalawa na naman, nakakabwisit talaga 'tong lalaking kaharap ko.

"A-Anong gagawin mo?" kinakabahan kong sabi at nagsimula na akong humakbang paatras dahil lumalapit na siya sa akin.

"Wala naman." Naka-smirk na siya at malalim na ang tingin sa akin. 'Yan na naman yung mga mata niyang humihigop palagi sa akin. Lumapit pa siya nang lumapit sa akin at ako naman ay atras lang nang atras. Hanggang sa napahinto na lang ako dahil pinto na ng kwarto ang nasa likod ko.

Itinaas ni Ream ang dalawang kamay niya at sinandal iyon sa pinto, parehas na nasa mag kabilang side ko ang mga kamay niya. Favorite niya talaga itong gawin 'no? Wala na akong kawala sa kanya, na corner na naman niya ako.

Inilapit niya pa ang mukha sa akin, at dahil wala na akong maatrasan bahagya na lamang akong lumiyad para mapalayo sa kanya.

Bakit ganyan na naman siya makatitig? Hindi niya ba alam kung ano yung nagagawa niyang titig na 'yan sa akin?

"B-Bakit mo ba ko dinala rito?" medyo pabulong kong sabi dahil sobrang lapit niya na talaga sa akin.

"Ano ba talagang plano mo?" Naamoy ko pa yung mint na hininga niya. His mouth smells good.

But really? Trixy? Pati hininga pinansin mo.

"S-Sabing pinapunta lang kami dito ni Francine!" Shit! Bakit nauutal pa rin ako?

"Are you sure?" seryoso niyang tanong. Bigla na lang naghumirintado ang puso ko, mabalis at malakas ang tibok.

Bakit tumitibok yung puso ko ng malakas? Siguro dahil kinakabahan lang ako sa kanya, sino ba namang kakabahan sa kanya tapos ang lapit- lapit niya pa.

"O-Oo," hirap na hirap na salita ko, pwede bang umalis na siya? Napansin ko kasing kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko.

Tumitig pa rin siya sa akin, hanggang sa bumaba yung tingin niya sa mga labi ko.

"Sino ka ba talaga? Bakit parang nakita na kita?"  Napalaki yung mata ko sa sinabi niya. Paano nangyari 'yon? Sa future kami nagkita, so wala talaga siyang maalala do'n sa nangyari. Dapende na lang kung nagkita na kami dati, pero imposible hindi ko naman siya maalala.

Baka siguro nagkita na kami, wala na nga akong maalala sa nakaraan ko.

Parang matutumba na ako sa aking kinatatayuan dahil nanlalambot na yung mga paa ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Kinapa ko yung doorknob ng pinto para sana doon kumuha ng lakas upang makatayo pa ako, pero mali ata ang naging kilos ko.

Dahil nang makapa ko na ang doorknob, hindi pala nakalock 'yon at biglang nabuksan ang pinto.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now