Chapter 36

1K 59 12
                                    

After nine years...

Halos habulin ko ang aking pag hinga nang tuluyang mag mulat ang aking mga mata.

Hingal na hingal na para akong nalunod ng napakatagal.

Puro puti lamang ang aking nakikita. Mulat na mulat na ang aking mga mata, pero ramdam ko ang init na kung ano sa aking pisngi dahil sa luhang tumulo mula sa aking mga mata.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Gusto kong gumalaw at magsalita pero hindi ko magawa.

Sobrang nanghihina ang buong katawan ko at hindi ito maramdaman.

Sa pagkakaalala ko ay makakatulog kami ng nine years.

Ito na ba 'yon? Gumising na ba kami? Anong taon na ba?

Ang alam ko lang ay ito na yung panahon kung saan nakita ko dati ang future. Nandito na ako.

Nakatulala lamang ako habang nakahiga pa rin dito sa glass transparent capsule na ito.

Teka?! Nasaan na yung mga kaibigan ko?

Pero agad akong nanlumo sa naisip. May karapatan pa ba akong tawagin silang mga kaibigan ko? Gayong nalaman ko na kung ano nangyari sa buong nakaraan ko.

Kailangan ko silang makausap. Lalo na sila Ream at Francine. Ano nangyari sa mga magulang nila?

A-Ako ba yung may kasalanan? Sa pag kakaalam ko rin noon nang may naikwento sila Francine ay wala na ang kanilang mga magulang kaya si Ream na ang nag papatakbo ng business ng pamilya nila.

Kahit namamanhid ang aking buong katawan ay nagawa kong ihilig ang aking ulo.

Sobra akong nadismaya sa aking sarili.

Katulad nang mga bata pa kami ay nangako rin akong babalikan sila at ililigtas pero kinalimutan ko sila.

At sa pangalawang pagkakataon, ako na naman ulit ang inasahan nila pero pinagkanulo ko sila sa mga kalaban.

Ako na talaga ang pinaka walang kwentang tao.

Wala ng mas sasama pa sa akin. Walang kapatawaran ang mga kasalanang ginawa ko.

Lahat ng plano ko ay nasasawalang bahala dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Katulad na lamang noong bago kami makatulog.

Yung mga magulang ko, kahit masakit ay natanggap kong wala na talaga sila. Alam ko iyon sa aking sarili.

Dinahilan at pinaniwala ko ang aking sarili na para sa mga magulang ko ang aking ginagawa.

Alam kong magagalit sila mom and dad sa plano ko pero ito lang ang paraan ko para mailigtas ang mga kaibigan ko.

Pinaniwala ko silang lahat na trinaydor ko sila at para magawa ito ay pinaniwala ko ang aking sarili na hindi para sa mga kaibigan ko ang aking ginagawa.

Dahil nang masabi sa akin ng ama ni Nolan na hahanapin nila kami, alam kong mahahanap at mahahanap nila kung nasaan kami. Kaya't ang pinaka walang kwentang paraan na lamang ang aking naisip. At iyon ay paniwalain silang nag traydor ako.

Pero ano na mangyayari ngayon? Gayong alam ko na ang nangyari noong mga bata pa kami.

Maidadahilan ko pa ba ang lahat ng ito? Lahat ng mga pinaplano ko kaya nagawa ko silang traydurin?

Wala akong idadahilan sa kanila, ngunit aamin ako na ako ang may kasalanan. Lahat ay aking kasalanan.

Ang dapat kong gawin ay kausapin sila. Pero paano? Nasaan sila ngayon? Kamusta na sila? Katulad ko ba ay nagising na rin sila sa pagkakatulog?

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon