Chapter 19

1.5K 84 18
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang dumalaw sa akin ang aking mga magulang. I'm so happy that day.

Masaya akong naglakad sa may pasilyo ng school namin.

Balita ko, ngayon daw ipapaskil ang buong top ten sa batch namin.

Tinignan ko ang aking orasan at mag uuwian naman na kami. Kaya pupunta muna ako sa may quadrangle kung saan nakapaskil sa may bulletin board ang top 10 ng buong batch ng buong strand sa grade 11.

Bago ako makarating sa quadrangle ay nakasalubong ko si Francine.

"Trixy!" Napalingon ako nang tinawag ako niya ako. I smiled at her.

"Pupunta ka rin ba sa quadrangle para i-check ang buong top ten sa batch natin?" I just nodded at her while smiling. Wala e, nasa mood talaga ako ngayon.

"Tara sabay na tayo."

"Sige." Sabay kaming naglakad ni Francine.

"Alam ko naman kung sino na yung top 1." Napalingon ako dahil sa sinabi ni Francine, pero hindi ko na 'yon pinansin nang nasa harap na kami ng bulletin board.

Nakita ko kung sino ang Top 1, at halos manlaki ang mata ko sa nabasang pangalan.

"Ream Mercedes," banggit ko sa pangalan niya.

"And Nolan Vallertos? Who's this guy? Ngayon ko lang nakita name niya ah?" Napatingin akong muli kay Francine.

"Ah, classmate ko si Nolan and matalino talaga 'yan. Palagi ngang tulog pero halimaw sa mga exam namin." I chuckled when I remembered Nolan.

Tumawa rin si Francine, "I want to meet this guy," sabi niya na nakatitig sa bulletin board.

Napangiti ako nang lahat kaming magkakaibigan ay nasa top.

Top 2 si Nick at Clinton. Hindi na ako magtataka kay Clinton dahil matalino din talaga 'yon.

Top 3 naman si Celestine. Top 4 ako, top 5 si Francine at Steel... and the rest sa ibang strand na hindi ko kilala ang mga pangalan.

Halos magkakalapit lang ang mga average namin pero mataas sina Ream at Nolan. Ang talino nila, 99.35 ang average nilang pareho. May gano'n pa kaya? Grabe!

Si Nolan kasi ang palaging nilalaban kapag sa mga quiz bee or sa kahit anong patimpalak na may exam, tapos siya rin sana ilalaban sa ibang mga patimpalak pero tinatanggihan na niya yung iba... kasi matutulog lang naman, pft.

"Halika na Trixy." Hinila na lang akong bigla ni Francine kaya nabalik ako sa ulirat.

"Nasaan pala si Celestine?" tanong ko, hindi niya kasi kasama.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, "inagaw ni Steel sa akin."

Nakapout pa siya na parang inagawan ng candy, and I can't stop myself to laugh.

"Ikaw talaga Trixy! Huwag mo nga ako tawanan, halika na nga kukunin natin si Celestine." Tumango na lang ako habang natatawa pa rin.

Kung sa ibang tao ay mataray kung titignan si Francine pero dahil ako si Trixy na kaibigan niya... mukha siyang bata, or shoud I say isip bata?

Napailing na lang ako sa inisip ko.

"Sige! Tawanan mo pa rin ako! Hindi tayo bati!" At nauna na siyang nag lakad.

Naiiling na sinundan ko siya.

Nandito na kami ngayon sa may bermuda grass dito sa field kung saan kami palaging tumatambay nila Celestine at Francine.

Maayos lang naman sa akin, pero kasi nandito rin sina Ream, Nick at Steel.

I sighed.

"Mag celebrate tayo! Lahat tayo nasa top," masayang saad ni Francine, and she also clapped her hands in glee.

I Saw the Future Onceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن