Chapter 45

791 41 3
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha sa akin ni Marco ang glass tube na naglalaman ng analysis data ng research nila.

Mabuti at dumating si Celestine at Nolan, masyado akong nag padalos-dalos sa pagdesisyon.

We heard the monstrous shout from Marco because of frustration.

"Son of a bitch! Abot kamay na, wala ka talagang kwentang anak!" Tinuro niya si Nolan na nakasuot pa rin ng malaking salamin at ng lab coat looking like a scientist. But I think he's a real scientist now.

Pumunta ako sa gawi ni Celestine at agad niyang niyakap ang aking braso.

"I'm sorry. I don't know what to do, it's my parents," I whispered to Celestine and then I shifted my eyes to my parents who are still standing beside Marco.

May kakaiba na akong nararamdaman, bakit wala silang ginagawa? Bakit nandiyan pa rin sila? Why did they not recognize me as their daughter?

Pumunta sa pwesto namin ni Celestine si Nolan.

"Pagod na ako maging tuta mo," mariing sabi niya sa mismong ama niya na si Marco. Ilang salita lamang iyon pero ramdam ko ang hinanakit at pagod sa boses ni Nolan.

Hindi ko man alam ang totoong nangyari sa kanya, pero naging kaibigan ko rin siya noon... I know Nolan is a good guy, 'yon nga lang ay naging ama niya lang ang pinaka sakim na taong nakilala ko.

"Umalis ka diyan Nolan! We're almost there anak, malapit na malapit na tayo."

Narinig kong pagak na tumawa si Nolan, at nang pag lingon ko sa kanya ay may mga luha ng namumuo sa mga mata niya. "Anak. Ngayon mo lang ulit akong tinawag na anak."

"Malapit na tayo, ginagawa ko rin naman 'to para sa inyo... para sa inyo ni Celestine." Lumingon pa siya kay Celestine na masama na ang tingin sa kanya.

"No kuya, don't believe him. This is only for him, at kung para sa atin ito hindi siya mananakit at papatay ng ibang tao para lang sa kagustuhan niya. He's disgusting, he's just using us... he'd been using you kuya."

"Bastos ka!" Nang papunta sa gawi namin si Marco ay inilayo ako ni Celestine at agad ako pumunta sa mga magulang ko.

Narinig ko ang malakas na sampal ni Marco kay Celestine.

"Celestine..." bulong ko.

"Wala kang utang na loob, nilalason mo pa yung utak ng kuya mo! Sana pinatay na lang talaga kita noon pa!" Akmang sasampalin muli ni Marco si Celestine nang agad itong napigilan ni Nolan.

"Ikaw yung sobra na! Pati mga anak mo sasaktan mo para lang diyan sa kagustuhan mo!" Nolan shouted at his own Father.

Nawala ang atensyon ko nang tuluyan akong makalapit sa mga magulang ko.

"Dad... Mom... Can you recognize me? Why are you still standing here? Help me please..." Hindi ko na naman napigilan ang luha ko ng haplusin ko sila.

Ngunit nakakapagtaka bakit nakatulala lang sila, na parang wala sa sarili.

Napaigtad ako nang makita kong umangat ang kamao ni dad na papunta sa akin at ang akmang susuntikin na ako, ngunit agad akong nakailag.

"Dad?!" Sumugod na silang dalawa ni mom sa akin at wala akong ibang nagawa kundi salagin at iwasan ang bawat atake nila.

Pero sa bawat iwas ko ay hindi ko mapigilan ang maiyak. Why it ended like this?

"Trixy you can hurt them! They are not your parents anymore! Patay na ang mga magulang mo, my father just use them as the trial and error for this research... it's not still polish, that's why they still want to get the main data! Kaya huwag na huwag mong ibibigay yung glass tube na naglalaman ng analysis data na nasa sayo!" Lito akong lumingon kila Nolan at Celestine na hawak na ng mga lalaking nakaitim.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now