Chapter 33

1K 53 1
                                    

Gusto ko na lang mawala, gusto ko na lang mahimatay sa mga oras na ito para kahit papaano ay matakasan ko ang malaking problemang kinakaharap ko.

Masama ba kung sasabihin kong pagod na ako? Pagod na ako sa lahat at pagod na akong lumaban. Buong buhay ko ay pag takas na lang palagi ang ginagawa ko. Ano bang magandang gawin? Tatakas na lang din ba ako? O patayin ko na lang ang sarili ko? Tutal may hawak naman akong baril. Pero paano yung mga taong mahahalaga sa akin at mga mahal ko?

Gusto ko na lang maging makasarili... gustong-gusto ko ng tumakas.

"Bakit mo ito nagawa Trixy?" Lumapit sa akin si Francine kaya't bumalik ako sa aking ulirat nang mag salita rin siya.

Masama ang tingin sa akin ng lahat. Ayos lang, basta mapapanatili kong ligtas ang aking mga magulang... at ito palagi ang sinasaksak ko sa utak ko dahil hindi ko na babaguhin pa ang aking desisyon.

Walang buhay akong tumingin kay Francine at sa kanya ko naman itinutok ang baril, nagitla siya sa ginawa ko pero nagawa niya pa ring humakbang palapit kaya ako ang umtras ng kaunti.

Sinampal ako ni Francine ng sobrang lakas, naunuot ang sampal na iyon na para bang nandoon pa rin ang kamay niya sa mukha ko.

Itinutok ko ang aking baril sa mismong noo niya, pero hindi ko man lang siya nakitaan ng takot... dahil ang nakikita ko ay purong lungkot.

"Xyxy!" tinawag ni Ream ang pangalang ibinigay niya sa akin, ngunit nakakakilabot ang mariing sigaw niya. Nang binanggit niya ang pangalang iyon ng may galit ay lumingon ako sa kanya.

Nangatal bigla ang buong katawan ko nang magtama ang aming mga tingin. Yung mga mata na sinasabing magiging maayos din ang lahat, yung mga matang kahit nang hihipnotismo at pilit ako nitong pinapasok ay nagagawa pa rin akong pakalmahin at iparamdam na ligtas ako sa kanya.

Parang gusto kong tumakbo na lang sa kinaroroonan niya at yakapin siya, pero wala akong magawa.

Gusto kong yakapin at sabihin na mahal ko siya.

Oo, inaamin ko na ngayon... matagal ko na itong nararamdaman ngunit hindi ko lamang ito matanggap at inaamin.

Gusto kong umiyak sa harapan niya, gusto ko ipakita kung gaano na ako kapagod at kahina.

Umiwas ako ng tingin. Wala na akong magagawa, hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat.

Pati sina Nick, Steel at Celestine na may tinging nanlilisik, na dati ay puno ng paghanga tuwing titingin sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa aking baril.

"I thought you are the kindest person I've known, but you are the worst," ani ng babaeng aking naging kaibigan, ang babaeng unang tumanggap sa akin noong ako lamang ang mag-isa.

Sobrang sakit. Mas masakit sa sampal na iginawad niya sa akin ang mga salitang kanyang binanggit.

Saktan na lang nila ako, sampalin na lang nila ako ng paulit-ulit... hindi yung ganito, hindi yung makitang ang babaeng naging malaking parte na ng buhay ko ay hahagulgol sa aking harapan at lumuhod na nagmamakaawa.

Ayoko! Hindi ko siya kayang makitang ganito. Mas gugustuhin ko na lang na kamuhian niya ako, na maging maldita siya sa akin katulad sa iba. Magalit na siya sa akin ng sobra, tatanggapin ko.

"T-Trixy, h-hindi ikaw ito e! N-Nag mamakaawa ako... b-bumalik ka n-na."

Nabitawan ko yung baril na hawak ko na nakatutok sa kanya.

Kitang-kita ko ang mga luha na hindi naman karapat-dapat sa mga magaganda niyang mata nang dahil lamang sa akin.

Gusto ko rin siyang yakapin ng mahigpit, pero si Celestine na ang gumawa niyon.

I Saw the Future OnceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ