Chapter 6

2.1K 109 1
                                    

Kasalukuyan kaming kumakain ni Celestine at nag-uusap nang biglang sumulpot sa kung saan si Francine.

"Hey! You two! Hindi niyo man lang ko niyayaya!" Sabay kaming napalingon ni Celestine sa naka pout na si Francine.

Napangiti ako at si Celestine naman ay natawa ng bahagya. "Nagkabanggaan lang kami kanina ni Trixy, tapos nagsabay na rin kami mag lunch."

"Wala! Nagtatampo pa rin ako sa inyong dalawa." I stood up and smiled at her.

"Oo na. Libre na lang kita ng lunch mo, nagtatampo ka pa riyang nalalaman," sabi ko kay Francine na malawak na ang ngiti sa labi.

"'Yun, oh!" Napiling na lang ako at pumunta na sa counter para makabili ng pagkain ni Francine.

Bumalik na ako sa table namin nang matapos kong mabili ang pagkain ni Francine.

"Salamat Trixy! Bawing-bawi ka na sa akin!" Sinabayan niya pa 'yon ng tawa, at napailing na lamang ulit ako habang nakangiti.

I looked at the two girls in front of me and smiled. Masaya ako at nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan.

"Hoy, Trixy! Ngumingiti ka na lang diyan ng mag-isa," sabi ni Francine habang may laman pa ng pagkain ang bibig niya. Sobrang daldal talaga nito, akala ko no'ng una sobrang taray pero masaya pa lang kasama.

"Wala naman, masaya lang ako dahil naging kaibigan ko kayo."

"Ako rin," sang-ayon ni Celestine sa sinabi ko.

"Syempre ako rin— ay sorry!" Nagtawanan din kami ni Celestine nang may tumalsik na pagkain galing sa bibig ni Francine habang kumakain.

"Ubusin mo muna kasi Francine 'yang kinakain mo bago ka magsalita," saway ni Celestine, at inayos niyang muli ang kanyang malaking salamin sa mata.

"Opo! Nga pala, punta naman kayo minsan sa bahay namin," nakangiting sabi ni Francine.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Pwede ko itong magamit para makakuha ng ebidensiya.

"Sure," sagot ko na lang.

"Talaga?"

"Oo naman."

"Baka magalit ka kay Ream kapag nagkita ulit kayo." Napatahimik ako sa sinabi ni Francine. Si Celestine naman ay pinagpatuloy ang pagkain habang nakikinig sa usapan namin.

"Hindi naman si Ream ang pupuntahan natin," ani ko.

"Oo nga 'no? Ikaw Celestine? Sama ka rin sa amin," pag aya ni Francine kay Celestine na nag-angat ng tingin sa amin at inayos muli ang malaki niyang salamin, na palagi niyang ginagawa.

"Why not? Kasama naman si Trixy."

"Yey! Mamaya na kayo pumunta sa bahay namin, ah? Sabay-sabay na rin tayong umuwi mamaya," masayang sabi ni Francine.

"Alright."

Nang sawakas ay matapos ang buong klase ngayong araw, nag uwian na kami and I am here now sa napag-usapan namin nila Celestine at Francine na magkikita-kita.

Ako ang naunang pumunta rito sa kanila. Nagulat ako nang may sasakyang huminto sa harap ko.

Bumaba ang salamin at nakita ko si Francine na bumungad.

"Halika na, Trixy. Nandito na rin si Celestine." Pinagbukasan niya ako ng pintuan at agad na akong pumasok.

"May driver talaga ako at sundo, si Ream kasi, ayaw niyang mag commute ako."

"Kaya pala, akala ko mag c-commute lang tayo," sabi ko nang maayos ko na ang aking pagkakaupo sa backseat. Pinapagitnaan namin ni Celestine si Francine.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon