Chapter 16

1.6K 90 6
                                    

"Magaling ka na?" tanong ni Nolan nang mailapag ko ang bag ko sa aking upuan. Tumango lang ako, dahil nand'yan na rin yung teacher namin.

"Okay Class, we're going to check your papers." As usual, pag katapos ng exam ay checking.

Nag check lang kami ng papers namin at hindi na ako muling kinausap ni Nolan, ganyan naman siya, medyo nasasanay na rin ako.

At hindi na rin ako nagtaka dahil halos lahat ng ibang subject na nag check na kami, ay si Nolan ang highest. Ako naman ay palaging next lang kay Nolan, at yung iba naman ay pantay sa score ni Nolan. Makakahinga na ako ng maluwag doon. I can't be a dissapointment for my parents, at palagi 'yan ang tinatatak ko sa utak ko.

Nag ring na yung bell, sinyales na lunch break na. Agad kong kinuha ang bag ko. Napatingin naman ako sa pwesto ni Nolan na nakadukdok sa desk niya, at sigurado akong tulog na naman ito.

Nagtataka naman ako dahil pangalawang araw na ito na hindi nagparamdam sa akin si Clinton. Napailing ako sa naisip ko. Mas maganda nga 'yon para wala ng magulo, pero isa rin siya sa makakatulong sa akin para tuluyan ko ng malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa nakaraan ko, noong bata ako, dahil may pakiramdam ako na may alam siya tungkol sa akin.

Gaya ng napagplanuhan namin nila Francine at Celestine. Nang nag lunch break ay nagkita-kita kami.

Nandito kami ngayon sa may bench, sa labas ng cafeteria namin.

"Hi Trixy," sabay na bati nila Francine at Celestine na nginitiian ko.

"Yey! I'm excited, pupunta tayo sa Amusement park," masayang sabi ni Francine na sinamahan niya pa ng palakpak, kaya napatawa na lang kami ni Celestine.

"So anong plano natin? Mag c-cut tayo ng class?" tanong ni Celestine, na agad tinanguan ni Francine.

"Yup!"

"Saan tayo dadaanan? Hindi naman pwede sa gate ng school, tiyak na mahuhuli tayo," muling tanong ni Celestine, sabay ayos ng kanyang salamin.

Tumingin sa akin si Francine na may ngisi sa labi, kaya agad na nangunot ang aking noo. "Why are you staring at me like that?"

"Naalala mo noon? Yung umakyat ka sa likod ng school? Yung sinabi mo nang na-kiss mo yung kambal k—"

"Shut up! Yes alam ko, hindi mo na kailangang banggitin 'yon," pinutol ko kaagad ang sinabi ni Francine. Namula ang aking pisngi nang maalala na naman ang pangyayaring 'yon.

Narinig ko namang humagikhik ang dalawa kong kaibigan.

"What?" tanong ko dahil tumatawa pa rin sila.

"Wala, halika na pumunta na tayo roon. Alam kong doon ang safe na daanan para makalabas tayo, dahil si Trixy nga ay nakapasok sa school na hindi nahuhuli." Sabay kaming tumango ni Celestine sa mahabang pahayag ni Francine.

Nagsimula na kaming maglakad. Doon din 'yon sa lugar, kung saan kami naglaban ni Clinton gamit ang kutsilyo.

Nakarating na kami sa lugar na dadaanan namin palabas.

"Ang haba naman pala ng pader na ito, makakaakyat kaya tayo?" tanong ni Francine habang nakaangat ang ulo para tignan kung gaano kataas ang pader na aakyatan namin.

"Paano mo ito naakyat Trixy?" takang tanong ni Francine.

"Ahm... sanay na kasi akong umakyat sa matataas, kagaya ng pader na ito." Napakamot na lang ako sa aking ulo, dahil sa wala kong kwentang dahilan.

"Ikaw Celestine kaya mo ba ito akyatin?" Tumingin kami kay Celestine na nakatingin din sa mataas na pader.

"Kakayanin." Muli niyang inayos ang kanyang salamin, at base sa nakikita ko ay parang kaya niya talaga itong akyatin. Hindi na ako magtataka, dahil napakamisteryoso din ni Celestine.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now