Chapter 1

152 6 0
                                    

CHAPTER 1

AUTHOR'S POV

" Bitawan niyo siya. " Mahinahong sambit ni Suzette sa apat na babaeng pinagtutulungan si Savannah, ang babaeng palaging binubully sa loob ng University.

" Sino ka ba para sundin namin ? " Taas kilay na sabi ni Stacey

" Oo nga, Isa ka lang namang babaeng maitim ang labi, puro kolorete ang mukha at tadtad ng band aid ang pisnge. " Sabi pa ni Shantel kay Suzette.

Tiningnan lang sila ni Suzette na parang walang paki-alam sa mga sinasabi
ng mga ito.

" Uulitin ko, bitawan niyo na siya. " Sabi ni Suzette na tila naiinip na.

" Girl, Wala kang paki-alam sa mga ginagawa namin, Sino ka ba ? Hindi ka naman sikat at para sa amin, Isa ka lang basura sa paligid namin. " Sabi ni Sandra sabay flip hair.

" Bibitawan niyo ba siya o dadapo itong palad ko sa mga pisnge niyo. " Mahina pero gigil na sambit ni Suzette

" G-Guys, L-Lets go. She's serious, look at her, mata niya pa lang mukhang mangangain na, isama mo pa yung exotic face niya. OMG ! She's weird so let's go. " Sabi ni Sylvie at niyaya na ang mga kaibigan niya, dahan dahan nilang binitawan si savanna atsaka mabilis na umalis.

" Ayusin mo yang sarili mo, suklayin mo yang buhok mo. Bakit kasi hinahayaan mong ganyanin ka nila? Matatapos na ang klase pero binubully ka pa rin nila, hindi ka ba marunong lumaban? " Tanong ni Suzette kay Savannah, umiling lang si Savannah.

" Kung hahayaan mong palagi ka nilang sasaktan, masasanay ang mga 'yan, aaraw-arawin. Okay ka lang ba ? "

" O-Oo, I'm fine. Salamat. "

" Ayusin mo na ang damit mo at mga gamit mo, magsisimula na ang last subject, sigurado ako na pagtatawanan ka nila kapag nakita nila ang itsura mo. " Sabi ni Suzette at nauna ng naglakad patungo sa room nila.

" Wait . . . Hintayin mo ako. " Sigaw ni Savannah, tumigil naman si Suzette.

" Ako nga pala si Savannah Salvejo, ikaw ? Anong pangalan mo ? " Tanong ni Savannah

" Shayne . . . Shayne Suzette. " Sagot nito at naglakad na ulit.

" Anong apelyedo mo ? "

" Wala. Hindi ko yun ginagamit at ayaw ko sa apelyedo ko kaya 'wag ka ng magtanong, hindi ko din naman sasabihin. " Sabi pa ni Suzette bago ito tuluyang pumasok sa room nila, Hindi na lang nagsalita si Savannah, sumunod na lang siya kay Suzette at umupo sa kanyang pwesto.

* SUZETTE'S POV *

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko at nakatitig sa white board, kakarating lang ng professor namin.

" Good morning, may nakaka alam ba sa pangalan ng bulaklak na pinapahanap ko? " Tanong ng professor namin.

Nagtinginan lang ang mga kaklase ko pero walang nagtaas ng kamay.

Napatingin sa akin si Savannah, nagtaas kasi ako ng kamay.

" Yes Suzette, Alam mo ba? " Tanong sa akin ng professor namin, tumango ako agad.

" Ito na naman ang pabida. " Narinig kong sabi ni Sandra

" Your right, feeling matalino e ang pangit pangit naman. " Sabi pa ni Sylvie

" Girls, shut up. Kanina pa kayo tinitingnan ni Prof. Stella. " Sabi ni Stacey kaya tumahimik na ang dalawa.

" Yes Suzette, maaari mo bang sabihin sa akin? Kapag tama ang sagot mo, ang mga kaklase mo lang ang mag eexam, pwede ka nang magpunta sa cafeteria o tumambay kung saan mo gusto, pwede ka na rin umuwi dahil sobrang halaga na malaman ko ang pangalan ng bulaklak na iyon. " Sabi pa ni Prof. Stella

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now