Chapter 26

48 4 0
                                    

CHAPTER 26

SHAYNE SUZETTE'S POV

Nagpunta ako sa kusina, dinala ko ang ilang pinag kainan namin at kumuha din ng juice, bakit parang tumahimik yata sila?

Nagmamadali kong kinuha ang orange juice sa ref. at agad silang pinuntahan pero . . .

" Happy Birthday! " Sigaw nilang apat, nagulat ako. Hindi ko inexpect, may hawak na cake si Szymon, tarpaulin na may picture ki naman sa magkapatid na Sue at Seth at balloon na number 18 ang kay Savannah.

" Happy birthday to you ! Happy birthday to you ! Happy birthday, Happy birthday, happy birthday  Suzette ! " Kanta nila habang papalapit ako.

" Thank you. " Sabi ko at nangingilid na naman ang luha.

" Blow your candy SunSHAYNE ko. " Sabi ni Szymon

" And make a wish ate. " Sabi ni Savannah

" Ang wish ko ay, gumaling na si Sethy. " Sabi ko at hinipan na ang kandila.

" Yeyyy ! " Sigaw nila at niyakap ako.

Hinintay namin maggabi dahil plano na naming magpunta sa hospital, kailangang walang maka alam na ako ang magdo-donate ng dugo.

It's already 6:00 pm na at kakarating lang nila Samantha.

" Oh, nandito na pala yung future girlfriend mo e. " Sabi ko, kaagad napalingon si Seth, ngiting ngiti siya.

" Hi Samantha ko. " Sabi nito

" H-Hi. " Nauutal na sabi ni Samantha, halatang nahihiya.

" Nangangamoy pag ibig whooo! may ate na ako. " Pang aasar ni Sue sa kuya niya.

" Sshhhh. H'wag kang maingay d'yan kapatid. " Saway ni Seth sa kapatid niya

Naghanda na kami para magtungo sa hospital, kina-usap ni Szymon Ang mommy niya at sinabing samahan si mommy Selena sa church ng hospital, si Kuya Sebastian ang bantay kay Sethy at nagpapahinga naman si Daddy at ate Saphira. Si Selah lang ang naiwan sa restaurant, sinamahan kasi kami ni Samantha.

" Lumabas na daw sila mommy at Tita, si Sebastian daw ang nasa loob. " Sabi ni Szymon

" Seth, samahan mo ako doon para magpakuha ng dugo, Sue at Samantha bantay naman kayo sa  labas ha, baka kasi may nakasunod sa atin at makita tayo. " Utos ko, sumaludo naman kami.

" Ako naman, samahan mo ako Savannah, bibisitahin natin si Sethy para alam natin ang galaw nila sa loob at para alam din natin kung may lalabas sa kanila para masabihan natin sila agad. " Sabi ni Szymon

" Sige. G ako d'yan. " Sabi ni Savannah

" Mag iingat kayo ha. " Sabi ko, niyakap ako ni Szymon. " Para kay Sethy, kaya mo yan ha. I love you. " Sabi niya sa akin. " Brad, ikaw na muna ang bahala sa SunSHAYNE ko ha. "

" Oo Brad, punta na kami baka kasi biglang bumalik sila agad. " Sabi ni Seth at nagtungo na kami sa doctor.

" Yes Ma'am Sir, may kailangan po ba kayo? " Tanong ng doctor

" Ahmmm Doc, may nag donate na po ba ng dugo para kay Miss Sethy Samaniego? " Tanong ni Seth

" Wala pa nga po e may isang hospital pa kaming tinawagan pero hanggang ngayon ay wala pang sumasagot. " Sagot ng doctor, parang nanlumo ako.

" Doc, pwede po akong magdonate, magka-blood type po kami at Sana po ay  maisalin niyo agad sa bata para gumaling siya agad. "

" Talaga po? Sige po, aayusin lang namin ang gagamitin na mga aparatos. " Sabi pa ng doctor

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now