Chapter 18

53 4 0
                                    

CHAPTER 18

SHAYNE SUZETTE's POV

First day of school, maaga akong pumasok. Wala lang, gusto ko lang tumambay sa may gate, naboboring kasi ako sa buhay ko.

" Oh, ang aga mo yata ngayon iha, excited pumasok ah. " Bungad ni kuya Sergio sa akin

" Boring po sa bahay kaya po naaga ako, pwedeng tumambay dito? " Tanong ko

" Pwede naman, kilala ka naman ng Dean e Ikaw muna dito, magkakape lang ako. " Sabi ni kuya Sergio

" Sige po. Ako na ang bahala dito, hindi ko papapasukin yung mga bully. " Sabi ko

" Ikaw talaga, tigilan mo na ang pagiging basag ulo mo. Gusto mo ba ng kape, bibilhan kita. "

" Hindi na po. At grabi kayo sa basag ulo ah, hindi naman ako nakikipag-away e. " Sabi ko

" Ay naku! Ewan ko sa'yong bata ka. Ay sya pupunta na ako doon para makabalik ako agad. " Sabi ni Kuya Sergio at mabilis na naglakad patungo sa tindahang malapit dito sa eskwelahan.

" Good morning. " Bati ng ibang estudyante sa akin, himala yata at pinapansin nila ako ngayon. Hindi ako naka make up at wala ding band aid ang mga peklat ko, natural din ang labi ko, mamula mula kahit walang lipstick baka kasi matanggal agad ako dito sa University kapag hindi ako sumunod sa mga rules.

" Good morning Sav. " Bati ko, hindi niya ako napansin e tuloy tuloy siya sa paglalakad.

" Suzette? Oh good morning. Bakit nandito ka? Sorry hindi kita napansin  hindi ko kasi alam na ikaw yan. "

" Tambay lang dito, ako na ang bagong guard. " Biro ko

" Ikaw na? So pwede kaming pumasok kahit walang I.D ? " Sabi niya at tumawa.

" Pwedeng pumasok ng walang I.D pero kailangang may iaabot na pagkain sa akin. " Sabi ko

" Hahahaha pwede pwede. " Sabi niya at tiningnan ang mukha ko.

" Oh anong masasabi mo? " tanong ko

" Ang laki mo na baby Sethy. " Bulong niya at napitik ko siya sa noo.

" Baliw! Timang ka talaga. " Bulyaw ko sa kanya pero medyo mahina lang

" Joke lang e pero kamukha mo nga. " Sabi pa niya

Nag aasaran kaming magkapatid ng biglang. . .

" Suzette my darling. . . " Sigaw ni..

" Sue?? " Gulat naming sambit ni Savannah

" Hello. Namiss ko kayo. " sabay beso sa amin, kunot noo pa din kaming dalawa ni Savannah.

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Savannah

" Bakit ang suot mo ay katulad din nitong uniform namin? " Tanong ko

" Ano pa ba e 'di dito na kami papasok. " Sagot niya

" Kami?? " Sabay na naman kaming dalawa ni Savannah

" Kami. Sila, dito na din sila papasok. " Sagot ni Sue, tinuro niya ang dalawang lalake sa likuran ng isang kotse, nakangiti ang mga ito at kumakaway sa amin, si Seth at si Szymon.

" Good morning girls. " Bati ni Seth

" Good morning, dito na kayo mag aaral? " Tanong ko

" Oo, matagal na naming plano yun, mabuti na lang at pumayag si Mommy at si Tita. " Sagot ni Szymon

" Nandito ka kasi e kaya lumipat kami hahahaha. " Sabi pa ni Seth

" Seryoso? " Tanong ko

" Oo nga Shayne, hindk pa tayo magkakilala e napag-planuhan na namin yun, hindi lang namin agad sinabi sa inyo para surprise. " Sabi pa ni Szymon, tumango tango lang ako.

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon