Chapter 20

47 5 0
                                    

CHAPTER 20

SHAYNE SUZETTE's POV

Lumipas pa ang mga araw, madalas akong ihatid ni Szymon sa sakayan ng tricycle papunta sa bahay namin, nag iiwan din siya ng mga letters sa locker ko everyday at hindi yun pumapalya, tuwing pumupunta ako ay may sulat para sa akin, nakakakilig din kasi siya lang yung hindi sumuko sa ugali ko.

Sunday ngayon at niyaya ako ni Szymon na lumabas, pumayag naman ako pero ikukwento ko muna sa inyo yung nangyari nung first day of school habang wala pa siya dito.

» F L A S H B A C K «

Pagkauwi ko ay nakatulog ako agad sa sofa, nagising ako ay hapon na at marami ang missed calls at text ng mga kaibigan ko.

“ kakagising ko lang. ” reply ko sa kanilang lahat , kaagad namang nagtext si Szymon, hinintay niya yata talaga ang reply ko.

“ kumusta ang pakiramdam mo Shayne? ”

“ ayos naman na ako Sky, thank you sa medicine. Sorry ngayon lang ako nakapag-reply. ” reply ko

“ okay lang yun, ang mahalaga ngayon ay magaling ka na. ” reply niya ulit, nagpaalam ako na bibili muna ako ng dinner ko at kakain din daw muna sila.

Habang naglalakad ako papunta sa kanto ay tumawag si Savannah.

“ Hello. ” sagot ko sa tawag niya

" Ate ! I mean Suzette. Nawala ka kanina sa Gymnasium, hindi mo ba ako nakita? Ako ang tinawag nung kambal. " Mabilis at dere-deretsong sabi nito

" Nakita kita nun pero pababa ka pa lang papunta sa stage, pinatawag kasi ako ni Prof. Salome e. " Sabi ko

" Oo nga daw e sabi nga ng future boyfriend mo. Okay ka na ba? May masakit daw sa'yo. "

" Okay na ako, nandito nga ako sa labas e bibili ako ng pagkain ko. Bakit ka ba napatawag, Alam kong may ibang rason. " Tanong ko

" Eh yun na nga, speechless ako nung nakita ko si Saphira at Sebastian, magtatanong Sana ako about sa atin kung may alam sila pero nahiya ako kasi parang hindi yata iyon ang tamang lugar. "

" Mabuti naman at naisip mo yun, eh kumusta naman, sobrang happy mo ba kapatid? " Tanong ko

" Oo at Sabi niya magkamukha daw kami, pareho daw kami ng mata, grabi napansin niya yun ibig sabihin tinitingnan niya ako ng mabuti, alam mo Sis, kung nakita ka lang niya siguro mas magtataka yun kasi para kang big girl version ni Sethy. "

" Ang daldal mo, baka may makarinig sa'yo d'yan. "

" Wala. Mag isa lang ako dito e. Grabi talaga, ang dami kong picture with them. I'm so lucky. "

" I'm happy for you Sis, sabihin mo yan kay Tita Susan ha. Tawagan mo na siya, nandito na ako sa tindahan, text na lang kita later, bibili muna ako. " Sabi ko pa

» END OF FLASHBACK «

Simula nun, everyday na bukang-bibig ni Savannah yung mga idolo niya, bawat oras talaga isisingit niya, masaya ako na nakalimutan na niya yung kwento ko tungkol sa mga Samaniego, sana hindi na niya iyon maalala para hindi na siya magtanim Ng sama ng loob sa pamilya namin, okay na yung ako na lang.

" Shayne, kanina ka pa ba? " Tanong ni Szymon, kakarating lang niya. Nandito kami sa simbahan, Oo sa simbahan hindi ko na matandaan yung huling beses na nagsimba ako, I think bata pa ako nun. Simula nung napariwara ang buhay ko ay hindi ko na siya nakilala pero ngayong nandito na si Szymon ay parang marami na ang pagbabago sa akin.

" Ngayon lang din Sky, kakababa ko palang ng tricycle. " Sabi ko, pumasok kami ng simbahan at sa unahan naupo, ang topic ng pari ay tungkol sa pagpapatawad parang tinatamaan ako sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang, hindi naman ako masamang tao, Oo nakakagawa ako ng mga hindi maganda pero may mga mabubuti  din naman akong nagagawa hindi lang napapansin ng mga tao lalo na sa panahon ngayon, yung mga mali mo agad ang napupuna at hindi yung tama mong nagagawa.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now