Chapter 6

60 5 0
                                    

CHAPTER 6

SHAYNE SUZETTE'S POV

Hindi ko na na-control ang sarili ko, umiiyak si Tita Susan, umiiyak na rin si Savannah.

" S-Suzette. . . "

" I'm fine, magpapahinga na ako, kayo na muna ng nanay mo ang mag usap. Tita, salamat po. Ang swerte po ni Savannah na may nanay siyang katulad mo. " Sabi ko at naglakad na patungo sa kwarto ko.

Punong puno ng poot ang puso ko, kailanman ay hindi ko naramdaman na may nagmamahal sa akin kaya lumaki akong hindi marunong nagmahal.

Nahiga na ako sa kama, nagpa-ikot ikot na ako sa higaan ko pero hindi ako dinalaw ng antok. Lumabas na lang ako at naupo sa tapat ng pintuan, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, ngayon na lang ako ulit umiyak, huling beses na umiyak ako ay hindi ko na matandaan.

Napapikit ako ng ilang minuto at pagmulat ko ay may tumambad na panyo sa akin, nakaupo na pala sa tabi ko si Szymon at inaabutan ako ng panyo.

" Salamat. " Sabi ko at hindi na umimik pa, tahimik din siya at nanatiling nakaupo sa tabi ko. 

Ilang sandali pa at winahi niya ang buhok ko at hinawakan ang pisge ko na ikinagulat ko pero hindi ako nakapag react, hinimas himas niya niya ang pisge ko at medyo pinisil.

Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya.

" Kung may pinag-dadaanan ka, malalagpasan mo rin yan. " Sambit niya, hindi ako sumagot ulit. Ngayon ko lang kasi sila nakilala at hindi kamo close pero medyo gumaan ang pakiramdam ko.

" Gusto mo bang pag usapan natin? "

" Huwag na, hindi ako mahilig mag kwento ng problema, ayaw ko na pino-problema pa ng iba ang problema ko." Sabi ko sa kanya at tumayo na.

" Matulog ka na, matutulog na din ako. Salamat dito. " Turo ko sa panyo at pumasok na sa kwarto ko.

" Good night. " Narinig kong pahabol niyang sabi.

Pagkahiga na pagkahiga ko pa lang ay nakatulog na ako agad pero noong hating gabi ay napabangon ako bigla, nanaginip ako ng hindi maganda at hindi ako makahinga, mabuti na lang at may tubig akong dala papunta dito sa kwarto. Hindi na ako nakatulog ulit agad agad, madaling araw na ng maka-idlip ako.

Nagising ako ng sunod sunod na nag-ring ang aking cellphone. " Tsk ! Trabaho. " Bulong ko at bumangon na, inayos ko ang mga band aid sa mukha ko pati na din ang lipstick ko.

" Hello, Samantha. "

" Good morning Miss Suzette, I'm sorry sa istorbo, itatanong ko lang po kung mamimili kami ngayon? Konti na lang po ang nga stock e. "

" Huwag na muna Samantha, kapag naubos na saka kayo mamili, kay Ate Sonya kayo bibili, okay? "

" Okay po, kami na muna ang bahala dito habang wala pa kayo. " Sabi niya at binaba na.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas, walang tao kaya dumeretso ako sa kusina, nandoon pala sila, nagkakape.

" Magandang umaga. " Bati ko

" Good morning Suzette. " Bati ni Szymon

" Good morning. " Nakangiting bati ni Savannah at ganoon din si Tita Susan.

" Ipagtitimpla kita ng kape. " Sabi ni Savannah

" NO/'WAG " sabay na sabi namin ni Tita Susan, napakunot noo si Szymon at Savannah.

" Bakit po? " Tanong ni Savannah

" Hindi ako umiinom ng kape, hindi pwede sa akin. Bawal. " Sagot ko

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now