Chapter 2

78 6 0
                                    

CHAPTER 2

SZYMON SKY'S POV

" Kuya, where is mom ? Kanina ko pa siya hinahanap but hindi ko siya makita. " Tanong ni Samara sa akin, kapatid ko.

" Wala ba sa kusina ? Ang alam ko ay ipinaghahanda niya tayo ng almusal. " Sagot ko

" Baka nga nandoon, titingnan ko muna Kuya, malalate na tayo oh, exam week pa naman ngayon. "

" Maaga pa Samara, advance ang orasang yan. " Sabi ko

" Oo nga pero alam kong dadaan ka pa sa isang school e 'di ba nandoon yung gusto mong babae? "

" Sinong nagsabi sa'yo n'yan ? " Gulat kong tanong

" Ano ka ba Kuya, it's so obvious, ang lapit ng daan dito sa kabila pero doon pa kayo dumadaan ni kuya Seth, mas malayo kaya doon. "

" Ikaw talaga, ang dami mong alam, puntahan mo na nga si mommy doon. " Sabi ko at nagsuot ng necktie ko bago sumunod sa kanya sa kusina, nandoon nga si mommy nagluluto ng agahan namin.

" Good morning Mom. " Bati ko

" Good morning son, sit down at kumain na kayong dalawa. " Sabi ni mommy Sara sa akin.

" Mommy, alam niyo po ba na nahuli ko na naman si Kuyang nakangiti kanina, siguro may naalala siyang babae, bakit kaya hindi pa nagkaka-girlfriend si kuya ? "

" Bakit naman parang excited kang magkaroon ng girlfriend ang Kuya mo ? Ayaw mo bang tayong dalawa lang muna ang babae sa buhay ng kuya ? "

" Syempre gusto ko mommy pero gusto ko rin magkaroon ng ate e. " Sagot ni Samara, kung pag usapan nila ako e parang wala ako sa tabi nila.

" Pag uusapan niyo ba ako o kakain na tayo dahil malalate na tayo. " Sabi ko

" Hahahaha oo nga, mga anak magsikain na kayo, tatawagin ko na ang daddy niyo para sabay na kaming magpunta sa opisina. " Sabi ni mommy

" Kuya, pwede mo bang ituro sa akin yung babaeng nagugustuhan mo, gusto ko na siyang makilala agad e. " Sabi ni Samara

" Samara, hindi ko nga alam yung pangalan niya e 'wag kang excited. Kapag nagka-girlfriend na si Kuya , ikaw agad ang ipapakilala ko. " Sabi ko para tumigil na siya.

" Really kuya ? Omg! I'm so excited. " Ngumiti siya. " Let's eat. " Masiglang sambit niya.

Ano nga kayang pangalan niya ? Sana makita ko siya ulit mamaya.

" Kuya, kumain ka na nga, your smiling na naman. "

" Sabi ko nga, sige na. Late na tayo. "

Ako nga pala si SZYMON SKY TRINIDAD, 19 years old at isang third year college. Soon to be chef.

Si Samara ang nakababata kong kapatid, she's 15 years old at isang high school student.

" Sky anak, nandito na ang kaibigan mo. " Tawag ni mommy sa akin, nandito na si Seth.

" Yow. Wazzup Sky, ano? Tara na. "

" Saglit lang, magto-toothbrush lang ako. " Sabi ko

" Bakit ka pa magto-toothbrush e hindi mo rin naman siya makakausap, hahahahaha. " Pang aasar ni Seth sa akin.

" Kuya Seth, anong name niya ? " Tanong ni Samara.

" Hindi ko pa alam Samara e, itatanong ko sa pinsan ko kung kilala niya. "

" Talaga Kuya Seth? Sabihin mo sa akin ha, isesearch ko para ma-stalk ko. " Sabi pa ni Samara

" Naku ikaw talaga. Magpahatid ka na kay Daddy, sasabay na lang ako kay Seth. ". Sabi ko at lumabas na kami ng bahay namin.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now