Chapter 9

45 3 0
                                    

CHAPTER 9

SZYMON SKY's POV

Hindi ako makatulog. Iniisip ko yung sinabi ni Suzette lalo na yung sinabi niya na wala siyang boyfriend at hindi siya marunong magmahal dahil walang nagturo sa kanya nun.

Ano kaya ang sasabihin niya kapag umamin ako sa kanya na gusto ko siya, na ngayon ay feeling ko Mahal ko na siya.

" Tsk. "

Napabangon ako bigla, lumabas ako ng kwarto at tumambay sa may hagdanan.

" Szymon iho, bakit nandito ka pa? Hindi ka pa ba inaantok? " Tanong ni Tita Susan na kakapasok lang sa pintuan.

" Hindi po ako makatulog. " Sagot ko, inilapag niya sa semento ang dala dala niyang walis tambo at umupo sa tabi ko.

" Namimiss mo na ba ang pamilya mo o hindi mawala wala sa isip mo ang kwento ni Suzette kanina? " Tanong ni Tita Susan

" P-Pareho po Tita. Namimiss ko na po sila mommy at daddy pati na rin ang makulet kong kapatid saka hindi ko nga po makalimutan yung kweninto ni Suzette kanina, napakatatag niya po dahil napag daanan niya ang pagsubok na yun at nalampasan niya. " Sabi ko

" Gusto mo siya? "

" Po? Bakit niyo naman po natanong?? "

" Dumaan na ako sa mga ganyan iho, mga tingin mo pa lang kay Suzette ay halatang gusto mo siya, bakit hindi mo aminin sa kanya? "

" Hindi naman po sa torpe ako pero natatakot po ako sa magiging reaction niya, ang sabi niya po kanina ay hindi siya marunong magmahal. "

" Walang masama kung susubukan mo Szymon, malay mo ikaw pala ang inilaan ni God para turuan siya kung paano magmahal. Kaya mo yan. Sige na iho, matulog ka na doon, 'wag mo na munang isipin ang kwento niya, ang isipin mo ay kung paano ka aamin sa kanya. " Sabi pa ni Tita Susan

" Maraming salamat po Tita Susan. " Sabi ko at bumalik na sa kwarto.

" Saan ka galing Brad? Nagising ako, Wala ka na sa higaan mo. " Tanong ni Seth pagbalik ko sa kwarto.

" Sa labas Brad, hindi kasi ako makatulog, nagkwentuhan lang kami ni Tita Susan saglit. " Sagot ko

" Ganoon ba? Sige na, matulog ka na. Antok na antok pa ako. " Sabi niya at nahiga na ulit sa kama niya.

Bukas na bukas din, hahanap ako ng tyempo para maka amin na sa kanya, kung anu man ang magiging desisyon niya ay igagalang ko pero hindi ako basta basta susuko dahil matagal ko na 'tong pinapangarap. Ngayon pa ba ako susuko e halos abot kamay ko na siya.

-

Medyo tanghali na nung nagising ako, 8:00 am na at mabilis akong bumangon, wala na si Seth sa higaan niya. Naghilamos lang ako at nag toothbrush saka nagmamadaling lumabas, saktong bukas ko ng pinto ay nandoon si Suzette, kakalabas lang din niya ng kwarto.

" Go-Good morning Suzette. " Nakangiting bati ko

" Good morning Szymon, mukhang sabay tayong nagising. " Natatawa niyang sabi

" Oo nga e hahaha hindi kasi ako agad nakatulog kagabi. " Sabi ko

" I feel you. Tara na " sabi niya at nauna ng naglakad pababa ng hagdan. Nakangiti akong sumunod sa kanya.

" Good morning guy's. " Bati ko, nakatambay sila sa Sala at umiinom ng kape.

'' Good morning, mukhang napuyat kayong dalawa ah, sabay kayo nagising pero 'wag kayong mag alala, kakagising lang din namin. " Sabi ni Seth at tumawa pa

" Maupo ka na d'yan Szymon at ipagtitimpla kita ng kape. " Sabi ni Tita Susan

" Ipagpatuloy niyo na lang po ang pagkakape niyo tita, ako na po ang magtitimpla ng kape niya, papunta naman po ako sa kusina e. " Sabi ni Suzette, nagkatinginan kami ni Seth, mapang asar na naman ang mga tingin niya at pati sila Tita ay natatawa din.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now