Chapter 8

53 4 0
                                    

CHAPTER 8

SOMEONE's POV

" Anong drama ito? Bakit niyo ako niyayakap? " Tanong ni Suzette sa dalawa.

" Ang ganda ganda mo lalo Suzette, ganyan ka na lang palagi ha. " Sabi ni Savannah

" WOW. Mas maganda pala siya kapag walang make up. " Bulong ni Szymon na titig na titig kay Suzette

" Ayiee mas lalo kang na inlove sa kanya 'no? Umamin ka na kasi Brad. " Sabi ni Seth

" Iniisip ko kasi yung magiging reaction niya, para siyang babaeng palaban na mahirap suyuin, mahirap umamin Brad, baka ma reject ako. " Sabi ni Szymon

" So ibig sabihin susuko la na? Mahina ka pala e. "

" Hindi ako susuko, bakit ako susuko e parang mahal ko na nga siya lalo na ngayon na magkakilala na kami. " sabi ni Szymon

" Tinamaan ka na nga talaga kay Suzette. Malala ka na hahahaha. " Natatawa at iiling iling pang sabi ni Seth.

" Mabuti at hindi kayo napatakbo? " Tanong ni Suzette

" Bakit naman kami tatakbo, ang ganda mo nga lalo e 'di ba Szymon? " Sabi ni Seth sabay siko kau Szymon.

" Ha? Eh, O-Oo. Ang ganda mo nga lalo. " Parang naiilang na sabi ni Szymon saka napatungo. Nagulat pa siya dahil sa kanyang tabi naupo si Suzette.

" Thanks. " Nakangiting bulong ni Suzette kay Szymon.

" So, ano nga'ng nangyari d'yan? " Tanong ni Sue sabay turo sa mga peklat ni Suzette sa mukha.

" Ready na ba kayo? " Tanong ni Suzette

" Oo, tagal na. " Sabi ni Seth at nagtawanan pa.

" Mag isa lang ako sa buhay, ten years old ako noong. . . noong ibinenta ako ng mga magulang ko sa isang Chinese. " Panimula ni Suzette, napasinghap silang lahat.

" Isinama nila ako sa bahay nila, ang akala ko ay bibigyan lang nila ako ng laruang gusto ko dahil iyon ang sabi ng mommy ko pero pagdating doon... Ikinulong nila ako sa kwarto, hindi binibigyan ng pagkain, pinagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay halos isang taon ko din yung tiniis, umabot na nga sa puntong magpapatiwakal ako. " Kwento pa ni Suzette, napatingin siya kay Savannah, umiiyak na ito.

" Bakit ka umiiyak Sav. Hindi ba sinabihan na kita na ihanda mo ang sarili mo kapag nalaman mo pa ang ibang tungkol sa akin. "

" Hindi ko lang maisip ang mga nangyaring yun sa'yo. " Sagot niya

" Hindi lang yun, isang araw dumating ang anak nilang lalake, binuhusan niya ako ng kumukulong tubig sa binti. " Pinakita ni Suzette sa kanila ang malaking peklat niya.

" Minsan, umuwi silang lasing, hinawakan ako ng nanay niya sa kamay, hawak ako sa paa ng tatay niya at yung lalakeng yun, may hawak na patalim, nakatutok sa akin. Hindi ako natakot noon, handa na akong mamatay noong mga panahong iyon dahil ang nasa isip ko, wala namang silbi ang buhay ko, wala namang nagmamahal sa akin dahil mismong pamilya ko ay ibinenta ako para maranasan ko ang mga ganoon. "

Hinawakan siya ni Szymon sa kamay, napatingin siya pero patuloy na nagkwento at hinayaan ang kamay ni Szymon na nakahawak sa kamay niya.

" Itong mga sugat ko sa mukha ko, hiniwa nila ng patalim. Hindi sila tumigil hangga't hindi ako nawawalan ng malay, nagising na lang ako sa isang clinic. Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin, ako mismo ay natakot sa sariling itsura ko at binasag ko ang mga salamin kay eto, puro peklat din ang kamay ko na hanggang ngayon ay nandito pa din. Ito ang mga palatandaan ko na ni minsan, hindi ako minahal ng pamilya ko. " Seryoso si Suzette sa pagku-kwento, umiiyak pa rin si Savannah at pati si Sue ay umiiyak na din.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now