Chapter 10

55 5 0
                                    

CHAPTER 10

SZYMON SKY's POV

Medyo nataranta ako ng makita kong lumuha siya pagkatapos kong umamin sa kanya na gusto ko siya.

" Suzette, bakit ka umiiyak? " May pag aalalang tanong ko, nanatili lang siyang nakatingin sa akin, hindi nagsasalita, hindi kumikibo pero patuloy na lumuluha.

" I'm sorry, alam kong nabigla ka sa sinabi ko. O-Okay lang naman sa akin kung anuman ang isasagot mo, ang mahalaga ay nasabi ko sa'yo kung ano talaga ang nararamdaman ko. " Sabi ko na kinakabahan dahil first time kong umamin sa babae.

" H-Hindi yun, I mean I'm sorry kung ganito ang naging reaction ko, hindi ko din alam kung bakit ako naluha pero dahil siguro ngayon ko lang naramdaman yun, 'yung may umamin sa'yo na gusto ka at ramdam mo yung sinsiredad. " Sabi niya, nakahinga ako ng maluwag.

" But, Szymon.... yung nakikita mong ugali ko ngayon, hindi pa yun ang totoong ugali ko, yung totoong pagkatao ko, baka kapag nalaman mo e hindi mo na ako mahalin. "

" Paano mo naman nasabi yan? Hindi pa nga kita masyadong kilala noon pero feeling ko Mahal na kita. " Sabi ko

" Baka feeling mo lang yun. " Sagot naman niya

" Hindi. Mamahalin kita kahit sino ka pa, kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo, hinding hindi yun magbabago, may isang salita ako. " Sabi ko pa, napabuntong hininga lang siya at tumingin sa akin bago bahagyang napangiti.

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan at hindi na muling umimik pa bago kami nakarating ng bayan.

" Dito ko lang ipa-park ang kotse, bibili na ako ng mga ipapasalubong ko doon sa rejano's, ikaw mamili ka na din, dito na lang tayo ulit magkita mamaya. " Sabi niya at naglakad na palayo.

Nagtungo na ako sa tindahan na bibilhan ko, fresh ang mga prutas at nakangiti ang mga tao.

Bumili din ako ng mga souvenir katulad ng damit na may nakalagay na “ I Love Marinduque ” at marami pang iba, mas nagustuhan ko ang may drawing na mga Motion, ang Moriones Festival ang isa sa pinaka-magandang festival sa buong Pilipinas, ipinagdiriwang lamang ito tuwing Mahal na araw.

Pabalik na sana ako sa kotse ng biglang may bumangga sa aking lalake, pagkapa ko sa bulsa ko ay wala na ang wallet ko.

" Teka Sir ! " Pigil ko sa kanya, parang galit itong lumingon sa akin.

" Bakit? " Makapal ang boses nito na tila nananakot.

'' ahmm, wallet ko ho yan e " sabi ko sabay turo sa kamay niya na nakasuot sa bulsa pero kita naman ang kalahati ng wallet ko.

" Nangbibintang ka ba?? " Singhal nito sa akin, kinakabahan na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Pinalibutan na kami ng mga tao, marami ang nakiki-isyuso.

" Nakita mo ba na ako ang kumuha? May ebidensya ka ba? " Sabi pa ng lalake at hinawakan ako sa braso, sobrang higpit at nakabaon na ang mga kuko kaya nabitawan ko ang mga pinamili ko.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ng lalake.

" What are you doing?? " Singhal ng ni Suzette sa lalake.

" H'wag mo akong ma-english english babae !! " Sigaw pabalik ng lalake kay Suzette

" Szymon, anong nangyari? " Seryosong tanong ni Suzette sa akin.

" Bumangga siya sa'kin tapos biglang nawala ang lahat wallet ko, nakita ko sa bulsa niya pero sinigawan niya ako nung sinabi ko. " Sagot ko

" Bitawan mo siya. " Mahinahong sabi ni Suzette pero lalong humigpit ang pagkakahawak ng lalake sa braso ko halos matanggal na ang braso ko, mahapdi ang mga munting sugat.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now