Chapter 27

46 5 0
                                    

CHAPTER 27

SHAYNE SUZETTE'S POV

" Shayne, namumutla ka, may masakit pa ba sa'yo bukod sa braso mo? " Tanong ni Szymon sa akin, nandito na kami sa SS ngayon at nahihilo ako, hindi ko alam kung bakit e.

" Masakit ang ulo ko Sky tapos parang nahihilo ako. " Sabi ko at nawalan ng balance kaya muntik na akong matumba, mabuti na lang at nasa tabi ko si Szymon kaya nasalo niya ako.

" Bibilhan kita ng gamot. " Sabi niya

" May gamot dito Szymon, kukunin ko lang. Selah, ikuha mo ng tubig si Miss Suzette. " Sabi pa ni Samantha, inalalayan ako ni Szymon na maupo sa kama ko.

" Pagkatapos mong uminom ng gamot ay magpahinga ka SunSHAYNE ko ha, nilalagnat ka na. " Sabi ni Szymon, Oo nga, ang init ko at parang nakakapaso.

Ininom ko ang gamot na ibinigay ni Samantha. " Pahinga ka na muna, babantayan kita. " Sabi niya, ngumiti ako kahit sobrang hapdi at kumikirot ang ulo ko.

Napapikit ako. " Birthday na birthday niya e may sakit siya. " Narinig kong sabi ni Sue

" Hindi kaya dahil yun sa pagdonate, parang hindi kinaya ng katawan niya? Hindi ba isa na lang ang kidney niya dahil nasa'yo na Brad, hindi kaya may complication? " Tanong ni Seth

" H'wag naman Sana, hindi naman siguro. " Narinig kong sabi ni Szymon, hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako.

Nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin, dahan dahan akong nagmulat ng Mata at nilingon ang katabi ko.

Szymon??

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at dahan dahang tumayo.

" Shayne? " Mabilis siyang tumayo at hinawakan ako sa kamay.

" Saan ka pupunta? " Tanong niya

" Kukuha ako ng tubig. " Sagot ko

" Umupo ka na lang, ako na ang kukuha. " Sagot niya

" Nagugutom ka ba? Ikukuha kita ng pagkain? " Tanong niya sa akin, umiling iling lang ako.

" Sky, anong oras na? " Tanong ko

" 2:00 am pa lang, magpahinga ka na ulit. " Sabi niya, nahiga na ako ulit sa kama, umupo siya sa tabi ko at hinaplos haplos ang buhok ko. " Sorry kung tumabi ako sa'yo matulog ha, binabantayan lang kita kasi may sakit ka, nagpaalam ako kay mommy na sasamahan kita dito kasi may lagnat ka, umuwi na din sila Seth, magkakasama silang tatlo. " Sabi niya, ngumiti ako, ngiti na masaya, ramda ko kasi na Mahal na Mahal niya ako.

Kinumutan niya ako at titig na titig sa akin. " Thank you. " Sabi ko at hinawakan siya sa kamay.

" Higa ka ulit dito sa tabi ko. " Sabi ko sa kanya, mukha kasing inaantok pa siya.

" Okay lang sa'yo? Baka hindi ka komportable matulog kapag katabi mo ako. " Sabi niya

" Okay lang, I trust in you naman Sky saka tumabi ka na nga sa'kin ng hindi ko alam e. " Sabi ko

" Sorry, hindi na ako nakapag paalam sa'yo, ang himbing na kasi ng tulog mo e. " Sabi niya pa at nahiga na.

Hinalikan niya ako sa noo at natulog na kami ulit ng magkayakap.

-

" So, bukas na lang tayo magbubukas? " Tanong ni Samantha, 7:00 am na ng umaga at pupunta kami sa simbahan ni Szymon, doon na kami magkikita. Umuwi kasi siya para magbihis at ako mamayang hapon pa uuwi sa bahay ko.

" Oo, magpahinga na lang muna kayo ulit dito ni Selah, aalis na ako pero babalik din ako agad after Mass. " Paalam ko sa kanila at sumakay na sa tricycle na tumigil sa tapat ko, bumaba ako sa tapat ng simbahan, nandoon na si Szymon, naghihintay.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now