Chapter 3

64 5 0
                                    

CHAPTER 3

SOMEONE'S POV

" Magandang Gabi mga ka-radio, nandito ulit tayo upang bigyang daan ang mga request niyong kanta, this is Dj Sasha ng 143.24 so here we go. "

" Samara, gabing gabi na ah, 9.00 pm na nakikinig ka pa rin ng radio, hina-hinaan mo kaya. " Sabi ng kuya Szymon niya.

" Kuya, mahina naman e saka 'wag ka maingay, kakanta na 'yong idol ko, sobrang ganda ng boses niya, nag request nga ako e. " Sagot ni Samara

" Hay naku. Sino na naman yang kina-aadikan mo ? Baka boses palaka yan, matulog ka na kaya, wala pa sila mommy. " Sabi ni Szymon

" Kuya, every night kaya ako nakikinig kay Dj Sasha atsaka wala naman pasok bukas e okay lang na late na ako matulog at isa pa, hindi boses palaka itong idol ko baka kapag napakinggan mo e ma-inlove ka sa boses niya. " Sabi pa ni Samara at nahiga na sa duyan sa kwarto niya.

Naglakad papunta sa kama niya ang kuya niya at nahiga. " Patambay muna dito, boring sa kwarto ko. " Sabi pa ni Szymon

" Bakit hindi mo tawagan si Kuya Seth o kaya hanapin mo sa Facebook yung crush mo Kuya. "

" Ayaw mo bang makasama ang kuya ? May lakad ako sa isang araw at matagal mo akong hindi makikita, mamimiss mo ba ako kulet ? " Tanong ni Szymon sa kapatid niya.

" Of course kuya mamimiss kita kahit palagi mo akong inaasar, basta pasalubong ko ha. " sabi ni Samara

" Oo naman, bibilhan ko kayong lahat. "

" Sige na kuya, 'wag ka na maingay, kakanta na yong idolo ko. " Sabi ni Samara

" And I'm back mga ka-radio, ito na ang unang texter natin na pagbibigayan natin ang hiling na awitin. Hello kay Samara Trinidad, magandang gabi binibini. " Sabi ni Dj Sasha

" Kuya, did you hear that ? Ako yung unang napili, kakantahin ng idol ko ang request kong song. " Excited na sabi ni Samara sa kuya niya, ngumiti lang si Szymon.

" Ang request ni Binibining Samara ay Ex ng Callalily, request granted Miss Samara, here we go. " Sabi ni Dj Sasha

" Magandang gabi mga taga-pakinig, magandang gabi mga ka-radio. " Isang malambing na boses ang narinig nila, napalingon agad si Szymon sa radyo ng kapatid.

" Omg! Omg! Si idol yun, I'm so excited. " Nagtitili si Samara ng marinig ang idol niya.

" H'wag kang maingay Samara. " Saway ng kuya niya.

" Hi Samara. Magandang gabi, heto na ang request mong kanta, Ex ng Callalily, enjoy. " Sabi pa ng idol niya mula sa radyo.

" Bakit Ex ng Callalily ang request mo? 'Wag mong sabihing sa'king nagka-boyfriend ka na."

" Kuya, hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Yun ang request ko kasi maganda lang yung lyrics tapos bago lang yung song. " Sagot agad ni Samara at nagsimula na ang tugtog.

^^ Sa kabila ng kasalanan ko, tinanggap mo ako.
Nakaraa'y kinalimutan ko, ngayon ako'y sa'yo . . . sayo . . . sayo . . .

Niyakap mong mahigpit palapit sa'yo
Wala na nga'ng hihigit sa pag-ibig mo
Binawai monh lahay ng luha't kalungkutan sa'king puso.

Naghintay ngunit hindi napagod
Manhid ng umaasa
Kahit ginawa kang pansamantala, iniwang mag-isa

Hayaan mong lahat ay maituwid/maibalik ko pa

Niyakap mong mahigpit palapit sa'yo
Wala na nga'ng hihigit sa pag-ibig mo
Binawi mong lahat ang luha't kalungkutan sa'king puso . . .

Dahil sa pag-ibig mo, 'di nagbabago pinatawad ang lahat ng kasalanan ko.

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now