Chapter 11

49 4 0
                                    

CHAPTER 11

SHAYNE SUZETTE's POV

Pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko, nagtatawanan sila habang nagkukwento si Szymon, alam kong alam nila na may gusto sa akin si Szymon, hindi naman ako manhid, malakas nga yong pakiramdam ko e ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako umiyak kanina, siguro dahil kanina ko lanh narinig yun. Ngayon ko lang narinig na may taong gusto pala ako maliban kay Sid na palagi akong pinagti-tripan. Akala ko ay ayaw sa akin ng lahat, akala ko ay katulad din sila ng mga magulang ko.

-

" Suzette. " Tawag ni Tita Susan sa akin sa labas ng kwarto.

" Tita Susan, salamat po. Pauwi na po ako bukas, masaya po ako na nagkita tayo ulit , hindi ko po alam kung kailan ako ulit makakapunta dito, may pasok na po at may trabaho din ako, may mga kailangan din akong asikasuhin lalo na ngayong pabalik na ng Pilipinas ang mga Samaniego. " Sabi ko

" Mag iingat ka palagi Suzette, salamat din. Kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaamin kay Savannah ang totoo. " Sabi ni Tita Susan at niyakap ako.

" Wala po yun, mas okay na yung nalaman na niya lahat lahat para maintindihan niya kung bakit tayo nagkakaganito. "Sabi ko

" Anong drama yan? Pwedeng pasali? "

Napabitaw kami sa pagkakayakap ni Tita Susan ng magsalita si Savannah sa may pintuan.

" Ayaw ko, hindi ka kasali. " Sabi ko

" Ay ang daya, grabi ka sa'kin. " Sabi niya na kunwari'y nagtatampo.

" Gusto mo ba silang makita? " tanong ko kaya napalingon si Savannah sa akin.

" Sino? " Tanong niya

" Sino pa ba? Pwede kitang samahan sa airport kung gusto mo. " Sabi ko pa

" Suzette.. "

" I'm asking you Sav. "

" Gusto ko pero . . . pero pagkatapos ng lahat ng ikweninto mo, parang ayaw ko na. " Sagot niya

" Kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. " Sabi ko at tumango siya

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. " Salamat Suzette, simula pa lang nung una, sobrang bait mo na sa akin, masaya ako na ikaw ang kapatid ko. Opss secret lang pala yun. Sorry. " Sabi niya at pinitik ko siya sa noo nh mahina.

" Loka! Kapag talaga narinig ka nila. Tsk tsk "

" Sorry na, Nay oh si Suzette. " Pagsusumbong niya kay Tita Susan.

" Tama na ang yakap kay Suzette anak, baka makita ka ni Szymon, magseselos yun. " Sabi ni Tita, natawa na lang kami ni Savannah.

" Asus kunwari pa ang nanay ko, ikaw wari ang nagseselos e kasi si Suzette niyayakap ko hindi ikaw. " Pang aasar ni Savannah sa Nanay niya.

" Hindi kaya. " Sabi ni Tita sabay simangot, nilapitan siya ni Savannah at niyakap ng mahigpit.

" Tampururot ang nanay ko. " Sabi niya at hinalikan sa pisnge si Tita Susan, napaiwas ako ng tingin at napailing.

Haystt.

" Darling! "

Biglang pasok ni Sue sa kwarto, nabigla siya ng makitang nandito pala ang mag ina.

" Ay, may kadramahan palang nagaganap dito hehe kakausapin ko lang po sana si Suzette. " Sabi pa ni Sue

" Sige. pagkatapos niyong mag usap ay lumabas na kayo ha para masulit ni Suzette, pauwi na yan bukas. " Sabi ni Tita Susan

DAUNTLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon