Chapter 23

40 4 0
                                    

CHAPTER 23

SHAYNE SUZETTE'S POV

" Pinatay niyo ba yung CCTV? " Tanong ko

" Oo naman Suzette, expert ako d'yan. " Sabi ni Serenity

" Very good. Si Summer? Naka-abang na ba sa may gate? " Tanong ko ulit

" Yes Suzette, pasok na tayo at baka makalabas pa siya. " Sabi ni Sitara, pumasok kami sa isang kwarto, may babaeng nakaupo sa kama.

" Sino ka'yo? " Malakas na tanong niya, ngumiti lang kaming tatlo.

" Kami po ang sundo niyo. " Sabi ni Sitara sabay kindat

" Ako ba ang gagawa o ikaw? " Tanong ko kay Serenity

" Ako na muna ngayon. " Sagot ni Serenity, kinuha niya ang maliit na punyal sa bag niya.

" Be careful. " Sabi ko, ngumiti lang siya at Boom!  Napahiga sa kama ang babae at agad umagos ang dugo.

" Done. " Sabi niya

" Sitara, kunan ng picture at ipadala kay Severo. "

" Eto na, naipadala ko na sa kanya. " Sabi ni Sitara at kinuha ko phone ang phone ko.

" Sue, ihanda na ang kotse, pababa na kami. " Sabi ko sabay sarado ng pinto

" Ilan na ba sila this year? " Tanong ni Sitara

" Anim na baby, bilisan niyo. Naghihintay na sila sa baba, may tatawagan lang ako saglit. " Sabi ko

Mabilis silang lumabas ng pinto para walang makapansin, dali dali kong tinawagan ang number na nakasulat.

" Hello. "

" Good evening Suzette. "

" Good evening, sa isang condo, malapit sa Mall. " Sabi ko

" Okay. On the way na. "

" Thank you Samantha. " Sabi ko at ibinaba na ang tawag, sumakay sila sa kotse at ako naman sa motor ko, may guard pa sa hulihan ko kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor ko at dumeretso na pauwi.

Kinabukasan.

Friday na, umaga pa lang ay dumeretso na ako sa locker ko at gaya ng inaasahan ko, may letter nga galing kay Szymon, kaagad kong binasa.

“ Good morning my SunSHAYNE. Alam mo ba na Mahal na Mahal kita? May nakapagsabi na rin ba sa'yo na kaya kitang ipagmalaki sa buong mundo at ipagsigawan kung gaano kita kamahal? Tandaan mo, sa'kin ka lang ha. I love you so much Shayne Suzette. ”

Napangiti ako at biglang may nagtakip ng mata ko buhat sa likod.

" Sky? " Sambit ko

" I love you. " Bulong niya at tinanggal na ang pagkakatakip sa Mata ko at mabilis akong niyakap.

" Good morning. " Bati ko

" Good morning SunSHAYNE ko. Namiss kita. " Sabi niya

" Namiss din kita, pupunta ka ba sa SS later? " Tanong ko

" Oo Shayne pero hindi ako makakasabay sa'yo, sasabay na lang ako kila mommy kasi pupunta sila doon sa SS, sinabi ko kasi na masarap ang mga pagkain doon kaya ngayong next meeting nila mommy sa mga Samaniego ay nagdesisyon sila na Doon na lang ganapin. "

" Ha?? Anong oras Sky? " Natarantang tanong ko

" Tanghali pa, after class natin. Bakit Shayne? "

" Magpapaluto ako kay Samantha tapos ipapasarado ko muna para sila lang ang nandoon. " Sabi ko

" Gagawin mo yun Shayne? Paano yung kita mo, sayang din yun. " Sabi pa niya

DAUNTLESSWhere stories live. Discover now